Gazania I

8.9K 235 22
                                    


Parang lumilipad ako...


Tumingin ako sa bintana at nakita ang mga ulap, at sa baba ay ang dagat at maliliit na isla. Napapikit ako at nagbilang ng sampu bago tumayo at sumigaw,


"SAN AKO DINALA NG MGA TIPAKLONG?!"


"Li-Liezel, ok ka lang?"

Napatingin ako kaila Mei at ang iba. Pati rin sa Nathalia nandito. "Had a nice dream, Diaz?"

Medyo bangag pa ko pero may naaalala ako sa mga pangyayari kaninang madaling araw. Nagising ako sa katok ng pinto at may dalawang maid na bumati sa akin. Hindi ko na maalala kung ano sinabi nila, pero narinig ko sila na bahala kay Leafy at ang salitang "prinsipe" at "sama".

Ang sumunod kong naalala ay nakabihis na ko, may stroller bag na dala, at nakaupo sa umaandar na limousine kasama nila Cinta. Narinig ko kung anong oras daw dadating sa airport bago ako makatulog sa biyahe. Pagkagising ko na lang, nasa airport na kami kasama ang mga prinsipe at sinundan ko sila papunta sa eroplano. Nang makaakyat na kami, nakatulog na naman ako ulit hanggang sa tuluyan na kong nagising at napatingin sa bintana para makita lumilipad na ko.

Medyo late lang naman reaction ko.

"Nasaan sila?!"

Sagot ni Cinta "Nasa kabilang section-"

Dumiretso ako 'dun at nakita ang mga prinsipe nagre-relax na para bang wala silang ginawa na masama. 

Bati ni Malcolm "Good morning, Zeld-"

"Nasan ako?! Bakit ako nandito?! San tayo pupunta?!"

"Woah, woah, relax my Liezel." sabi ni Vitale. "Nasa private jetplane tayo ni Katashi. We're going to the beach."

"Beach? Saang beach?!"

"May nirent kaming villa sa Boracay." sagot ni Diedrich. "We're gonna stay there for three days."

"Boracay?! Nasa Visayas tayo?!"

"Yes." sagot ni Katashi na tumitingin sa bintana. "We just passed the Luzon borderline."

"Ang saya diba, ate Zelda!" Ngayon ko lang napansin nandoon si Spencer. "At pinayagan kaming sumama ni Liezel bunny!" 

"Alam niyo bang "ber" month na?! Taglamig na at magbi-beach kayo? Ayaw ko! Ibaba niyo ko ngayon din!" 

"O sige. Tumalon ka at lumangoy pabalik sa Academy." sabi ni Henrique.

"Nakakainis talaga kayo!"

"We love you too, my Liezel." sabi ni Vitale.

"ARGH!" Bigla akong napalingon at muntik nang mabangga si Alejandro. 

"Ang ingay mo." sabi nito.

Sasagot na talaga ako pero naalala ko yung pagtulong niya sa akin, kaya bumalik na lang ako sa kabilang section.

"Ok ka lang, Liezel?" tanong ni Mei pagkaupo ko.

"Kelan ba tayo ininvite ng mga 'yun?"

"Kahapon lang namin na-receive ang text nila." sabi ni Katerina. "Pero napasama na rin kami kasi mapilit sila. Ewan ko lang kung paano napunta yung isa dito."

"I can hear you, Ivanov!"

"I don't care, Fontaine." at tuluyang nagsagutan 'to.

Napahilamos ako ng mukha. Kaya pala, lowbat kasi ako kagabi. "Nakakasakit ng ulo. Ano kaya sabi ng paren- Parents ko! Hindi nila alam 'to!"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon