Angelica

8K 233 22
                                    


Dorm sweet dorm~


Kakagaling ko lang sa bahay namin para bumisita. Hindi pa kasi ako nakakauwi ever since pumasok ako dito. Pagdating ko nga kahapon dun, kaysa pangalan ko ang unang marinig ko sa aking minamahal na nanay, sinalubong sa akin "Nasan si Diedrich?"

At sumunod doon ay kailan pa raw ako magkaka-boyfriend, tumatanda na ko, gusto na niya raw magkaroon ng apo, parehas talaga kami ni kuya, blah, blah, blah, so on and so forth.

Anyway, pagod ako sa biyahe at buti na lang aircon ang sumalubong sa akin pagpasok sa building. Pagdating sa room, nag-hi ako sa pagong ko bago pumunta sa bedroom at bumagsak sa kama.

Siguro sa sobrang pagod ko, hindi ko agad napansin na may kakaiba sa hinihigaan ko. Inisip ko na lang na nagpalit sila ng unan since pina-cleaning ko ang room nung wala ako. Inayos ko na lang ulo ko sa nakaumbok na part at wala sa sarili sinabing "Leafy, ang tigas ng unan nila. Siguro gawa 'to sa ginto...Mga mayayaman talaga." Kinapakapa ko 'to at inamoy pa. "Pero mabango siya..."

Nang papatulog na ko, napadilat ako dahil parang gumalaw hinihigaan ko. Una, inisip kong imahinasyon ko lang 'yun at niyakap ang unan, pero ng gumalaw 'to ulit, napabangon akong tuluyan at ngayon ko lang nakita na hindi lang ako ang nakahiga sa kama.

Tinanggal ko ang kumot sa babang parte para makita dalawang paa at yung hinigaan ko, at inamoy pa, ay ang pwet ng isang nilalang. Inalis ko ang kumot at nakita kung sino 'to.


Si Constantine lang pala.


BAKIT SIYA NANDITO?!


Nagising siya at napahikab. Isipin mo yung pagkagising ni Snow White pagkatapos halikan ng prinsipe, ganun siya gumising. Napaupo siya at tumingin sa akin. Nagtitigan lang kami ng ilang segundo bago siya bumalik sa tulog.

"Co-Constantine!" Niyugyog ko 'to. "Constantine! Wag kang matulog!"

Napaupo 'to ulit.

"Ano ginagawa mo dito?!"

"Sleeping."

Mahahampas ko 'to. "Paano ka nakapasok?"

Tumingin siya sa pinto papuntang balcony at napansin ko nakabukas 'to. Wag niyang sabihin- "Inakyat mo 'to?!" 

Pambihira, nakatulog siya ulit.

Inalog ko 'to ulit. "Inakyat mo ang buliding?!" 

Sabagay, 'yung sa palosebo nga para siyang gagamba.

"Sa puno." sabi niya.

May malapit nga na puno sa balcony ko. "Pero, bakit sa lahat pa na pwedeng tulugan...bakit dito pa?"

"Walang tao."


Juice colored.


Napaupo ako at tinitigan 'to. "Aminin mo lang...naka-shabu ka ba?" 

 Umiling 'to. "Ginagawa namin 'to."

"Ng mga prinsipe? Bakit?"

"Sa babae."

"Sa baba-" napakurot na lang ako ng noo. "So inaakyat-dorm niyo sila? Nire-raid niyo mga panties nila, ganun?"

"Binibigay sa amin...souvenir."


Wow, just wow.

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon