Flax

10.1K 232 25
                                    


"May balita na kayo?"

"Wala pa, pero nilawak na nila. Pati rin sa elem. tinitingnan na! Kawawa naman ang mga kids."

"At bakit mo naman sila kakaawaan? Kung ang suspect ay bata man o matanda, hindi pa rin sila mapapatawad! Kung sino man ang kumuha ng first kiss ng ating prinsipe, mananagot siya!"

Pinanood namin ang tatlong babae pumasok sa elevator. Nandito kami sa lobby ng second years ng dorm, nagpapalipas ng oras. Wala na naman kaming pasok dahil sa bagyo.

"Hanggang ngayon naghahanap pa rin sila." sabi ni Tien.

Oo, hanggang ngayon hinahanap pa rin nila ang babae nagnakaw sa first kiss ni Alejandro (aka me) Magdadalawang linggo na nga 'yan, at ang mga babae, lalo na ang singit girls, ay nagha-hunting ng suspect. Minsan dadalin ka pa sa isang tabi at bobombahin ka ng mga tanong hanggang sa umiyak ka. Buti na lang ni isa sa amin nakatikim nun, pero feeling ko dahil sa nangyari sa party, mukhang hinihintay lang ni singit queen na mag-isa ako at kaladkarin sa mabaho niyang kweba at i-torture ako.

"Gusto talaga nilang makita kung sino man 'yun." sabi ni Lien.

"Ang tawag nga nila Search and Retrieval mission." natawa si Cinta.


Halatang gusto nilang patayin ako.


"Pero bakit pa nila kailangan idamay ang mga bata?" tanong ni Mei.

"Hindi ka na nasanay sa mga 'yan." sagot ni Katerina. "Their search is futile."

"Ba't ang tahimik mo Liezel." Napansin ni Lien na nakikinig lang ako kanina pa.

"A-Ahh~ iniisip ko kasi yung homework namin." sabi ko.

"May homework tayo?" tanong ni Cinta. "Buti na lang nabanggit mo!"

"Meron, sa language class natin. Binigay sa atin bago pa ma-suspend ang klase."

"Ahh! Oo nga! Haha!" 

"Liezel, ano pala 'yang supot sa tabi mo?" tanong ni Mei.

"Ito? Mga kape lang 'yan para sa mga prinsipe." Nagustuhan nila yung kape na binigay ko kaya tinext ako ni Katashi na magdala sa susunod para may stock sa SC. Pati rin ang Alejandro, na reklamo ng reklamo nung una, ay nasarapan din pala at ni-request na damihan ang pagbili ko. "Nagustuhan nila ang instant coffee."

"Mukhang pinapahirapan ka nila." malungkot na sabi ni Tien.

"Ok lang. Tsaka ilang araw na lang pagsisilbi ko sa kanila."

"Wag mo na lang sila pansinin para matapos na pagsilbi mo sa kanila." sabi ni Katerina at tumayo na 'to. "Kailangan ko ng mauna."

"Gusto ko na rin tapusin assignment ko."

Patalon na tumayo si Cinta. "Buti nabanggit mo ulit Liezel!"


Tumatanda na ata 'to.


Nagpaalam at bumalik na kami sa mga kwarto namin. Pumunta ako sa desk at kinuha ang bag ko para ilabas ang tablet, pero hindi ko siya makita. Hinalungkat ko ang bag hanggang sa nilabas ko na lahat ng laman pero wala pa rin. Medyo nagpa-panic na ko at tiningnan bawat sulok ng kwarto ko, pero wala pa rin. Inisip ko kung saan ko huli nakita ang tablet. Ang naaalala ko, kahapon pinaglaruan ko pa siya...


Shet


Naiwan ko siya sa classroom!

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon