Crocus

10.2K 253 31
                                    


"Alright, time's up! Pass your papers!"


Ang hirap ng seatwork sa Math, lalo na geometry pa.


I don't like you math! 


Pagkapasa namin ng mga papel, tumayo na si Ma'am at sinabi "Good-bye class."

Tumayo kami, nag-bow at sumagot "Good-bye Ma'am!"

Tapos na rin ang klase. Inayos ko na ang gamit ko at paalis na ng mapansin ko sa labas ng bintana yung mga boys over weeds palabas ng gate, kasama yung mga rabid fangirls. Mula nung Martes, hindi ko sila nakakaharap, kahit isa man mula nung mangyari yung sa hallway, which is fine, pero pinagtataka ko kung bakit hindi pa ako pinapatawag. 

Natakot ata sa akin.

HA! Buti lang!

Naglalakad na ko sa hallway nang makasalubong ko si Mei. "Mei! Kamusta na?"

Nagulat siya at dali-daling pumunta sa akin. "Liezel, ok ka na?"

"Medyo nahihiya pa dahil sa nangyari, lalo na huling kita mo sa'kin mukha ko nasa lupa."

"Hinanap nga kita noon pero wala ka na! Kamusta ka na pala? May bukol ka? Ooperahan ka ba? Pwede ka sa ospital ni daddy!"

"Grabe ka naman! Hindi ha!" Tinuro ko yung band-aid sa mukha ko. "Ito lang 'yun!"

Napabuntong-hininga siya. "Akala ko namatay ka na. Tatanungin ko na nga sana sa classmates mo kung saan yung burol."


OA lang?


"Anyway, saan ka pupunta?"

"Sa kaibigan ko, pero hihintayin ko muna siya. Ikaw?"

"Balik na ko sa dorm, wala naman gagawin."

"Hayaan mo, sa weekend pwede ka ng lumabas"

"Balak ko nga, pero ok lang din mag-stay muna ako dito, baka ikutin ko yung academy."

"Tingnan mo yung mga clubs dito, baka may magustuhan ka. Ako gusto ko nga pero..."

"Pero?"

"W-Wala! By the way, gusto kitang pakilala sa friends ko, pero busy sila ngayong weekend. Kinuwento ko ikaw sa kanila, ang hero na nag-save sa akin!"

Napangiti ako. "Sus! Wala naman ako ginawa! Nilayo lang kita sa kanila, hindi naman tayo nag-fly off into the sunset!"

Natawa siya. "Hindi, malaking tulong 'yun! Sige una na ko, bye-bye."

Nagpaalam na rin ako at lumabas na ng building.

 ______________________________________________________


Naglalakad akong mag-isa sa kalye, ang naririnig ko lang mga ibon at kung anu-ano pa sa gubat na pumapaligid sa akin. Sa paglalakbay ko nga, may nakita nga akong dalawang rabbit at isang quail na nangingitlog sa damuhan. Hinihintay ko na lang isang oso na lumamon sa akin, at sa pag-iisip ko nun, biglang may nahulog na nilalang sa harap ko.

"BOO!"

"TOKNENENG!" Nabuwal akong patalikod. 


Ang sakit ng puwet ko!


Tumatawa ng sobra-sobra yung bata. "Hahaha! A-Ano-haha sabi mo?! To-Tokneneng?! Hahahahaha! Ano yun?! Hahahaha!"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon