Plumeria

11.1K 267 30
                                    


Ayaw ko na.

As in ayaw ko na.

Lahat na ng kamalasan napunta na sa akin.

At yung nangyari kani-kanina lang ay super-duper nakakahiya! Lalo na sa pagkababae ko!

Tokneneng naman o! Bakit ba kasi kailangan pa nila doon magpalit? May banyo naman, at siguro naman isa sa libu-libong kwarto dito ay isang dressing room! Kaya nga tawag Student Council room, a place for counseling the students,


Not to ENTERTAIN them!


Hindi ko tuloy ma-enjoy baon ko, chicken fillet pa naman, dahil paulit-ulit yung pangyayari, at hindi talaga ako makakakain kung utak ko ay punung-puno ng abs!


ARGH!


Anyways~ nandito (nagtatago) ako ngayon sa gazebo na nakukubli ng mga halaman. Balak ko nga kainin na lang baon ko sa classroom since yung iba diretso canteen. Pero nung mangyari yun, at nag-announce na ang afternoon classes ay cancelled dahil may parang general assembly mamaya, dali-dali kong kinuha bag ko at lumabas ng building.

At least maayos yung lugar kahit medyo maalikabok at may mga tumutubo na halaman sa pillars, kaysa naman sa canteen kung saan sigurado na makikita ko sila.

Kailangan ko na rin bilisan kasi magwa-one o' clock na. Yung general assembly two magsisimula at hindi ko pa rin alam kung saan gaganapin yun. Sabi raw sa Surrexerunt Square, pero ewan ko ba, may auditorium naman pero kailangan talaga doon kung saan man yun.

Inubos ko na pagkain ko at nag-ready na umalis nang may narinig akong mga studyante sa kabila ng mga halaman.

"...sige na, sumabay ka na."

"Oo nga, isang magandang katulad mo ay mabilis matiempuhan ng mga lalaki!" 

"S-Salamat talaga pero ako na lang mag-isa pupunta doon."

Medyo lumapit ako hanggang nakikita ko yung likod nung babae at yung dalawang kasama niya. 

"Don't worry! Hindi ka mapapahamak pag kasama mo kami. Stick with us, and you'll fly with us~"


Ang sarap mong itulak sa bangin kuya.


"I-I really must go..." sabi nung babae. Inikutan niya yung dalawa pero hinawakan siya sa braso.


LIEZEL TO THE RESCUE!


"Ahhh! Nandito ka pala!" sabi ko habang palabas ng hiding place ko. "Kanina pa kita hinahanap! Nag-ala Dora the explorer na nga ko para lang mahanap ka. Halika na't baka ma-late pa tayo." Kinuha ko yung isang braso niya at hinala siya.

"Who the hell are you?!" pagalit na tanong ni guy pagkabitaw sa kanya.

Lumingon ako. "Hindi mo ba ako narinig? Kailangan na naming umalis!" Hinila ko si girl palayo hanggang hindi ko na sila makita. Binitawan ko siya at tinanong "Ok ka la-"


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon