Begonia

7.2K 235 34
                                    


Weekend na weekend, nagsisitalon ako na parang shunga, at sa oras pa na natutulog ang mga tao.

Nasa labas ako ng dorm at nagste-stretching. Balak ko tumakbo dahil payo ni Diedrich mag-jogging ako kahit isang beses sa isang linggo. 

Lumiliwanag na kaya bumaba na ko at lumabas sa kalye. Ako pa lang ata ang gising dahil wala pa rin akong makitang tao. Umalis na ko, at habang tumatakbo, nararamdaman ko ang lamig ng hangin at napahikab ako. Gusto ko tuloy bumalik at matulog na lang, at tuluyan nang hindi magising.

Sleeping Beauty lang ang peg. 

Tsaka malay ko, dumating ang prinsipe - yung legit, hindi yung mga feeler dyan - at halikan ako para magising sa sumpa na nilagay ko sa sarili ko. 

Shunga lang kumbaga.

Pero baka sa kakahintay ko, bumaho ang bunganga ko at ma-turn-off siya, huwag na lang.

Buhay ka nga, patay naman bibig mo.

Tumakbo ako papunta sa jogging track sa loob ng gubat. Wala naman talagang trail dito, pero may signs akong nadadaanan minsan na tinuturo ang daan. Pwede ka kasing maligaw dito, buti wala pang nilalang na nawawala.

May pag-asang ako maging una.

Bali ang kasama ko lang dito ang mga nakatagong hayop sa loob. May nakikita akong makukulay na ibon, rabbit, dragon, insect-teka, tama ba nakita ko?

Tumingin ako sa kanan at may nakikita nga kong dragon na tumatakbo, galing ata sa ibang ruta at hindi kalayuan sa akin. Humarap ako at inisip na antok lang 'to at namamalikmata lang. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo at kinumbise ang sarili ko na walang dragon. 


Pero just to make sure...


Nandun pa rin siya! At nakita niya ko!


Sabi ko na nga ba, dapat nag-mosquito repellent ako!


Sabagay, dapat dyan Baygon. Yung kailangan mo pang sindihan para mamatay talaga.

Napansin ko papalapit si Alejandro, kaya pala, somewhere down the road, our roads are gonna cross again, literally. Ilang sandali lang, nasa tabi ko na siya at sinasabayan ako. Ni isa sa amin nagkibuan, at tuloy lang ang pagtakbo namin. Baka naman kung hindi ko pansinin, hahayaan niya lang ako. Pero napapasulyap ako, at napatingin siya sa akin kaya diniretso ko tingin ko. 

Naka-Beats headphones pa siya, pero nasa leeg niya lang 'to.


Psh! Paporma!


Nakasuot sa akin ang Hello Kitty earphones ko, pero tinanggal ko 'to ng tumugtog 7 Things I Hate About You.


Sabagay, ok lang pala, may isa na kong hindi gusto, ang super-duper-haba-the-name niya.


Six more to go!


Sa kakaisip ko, muntik na kong madapa dahil sa bato at napatigil ako. Ewan ko lang, pero parang narinig kong tumawa si dragon, posible ba 'yun?

Hinabol ko at nilagpasan siya, pero humabol din 'to at ako naman ang iniwanan. Inulit ko 'to, pero nilagpasan niya na naman ako.


Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon