Aster

8.9K 243 50
                                    


Henrique's POV


*SMACK*


"Natapos rin!" 

Natapos ako sa pagdidikit ng mga fliers sa bulletin board ng lobby. Kung alam ko lang ito ang trabaho ng PRO, hindi na ko sumali pa. Umatras ako para makita ang gawa ko. Maayos lahat, except yung huli...baliktad. 


Pssh~ Ok lang 'yan. Flier lang naman ng arts and crafts club.


Pabalik na ko ng SC room ng may narinig akong pamilyar na boses sa hagdanan. Sumilip ako para makita yung kaibigan ni Liezel, may kausap sa phone. Yellow at polka-dotted ang panty.


Ay hindi stars pala 'yun. Polka-stars. (Corny mo)


Kasalanan ko bang nakikita ko?!


"Saan kaya natin pwede gawin, Lien?...Sige, tanong ko na lang...Nga pala! Ano regalo mo kay Liezel? Ako, full manga set ng Ouran. Fave niya kasi 'yun!...O sige, bye-bye!"

Bumaba siya, at nang hindi ako mapansin, sinundan ko to at hinila ang ponytail niya. 

"Ow!" Lumingon siya at nagulat. "Prince ng chocolate!"

"Chocolate?! Brown rose!" Napakamot ako ng ulo. "Anong pangalan mo ulit?"

"Cinta, pero Cinty na lang tawag mo sa akin!" sabi niyang nakangiti.

Time to work my magic. Binigyan ko siya ng famous seductive smirk ko. "Cinty, ano yung sinasabi mo kanina na regalo kay Zelda? Aalis na ba siya?"

"Ah! Birthday gift para sa kanya."

"Birthday?"

Tumango siya. "Malapit na birthday niya. Naghahanap nga kami ng place para sa celebration. Secret lang 'to ha! Surprise kasi! May regalo ka na ba sa kanya?"

"Ngayon ko nga lang nalaman." 

"Kung nahihirapan ka pumili, mahilig siya magluto."

"Psh! Wala akong balak magbigay."

"Hmm~ may tissue nga pala ako dito." bigla niyang sinabi.

Tinaasan ko 'to ng kilay. "Ano?"

"Mukha mo kasi. Ok ka lang?"

Tinutukoy niya ata famous seductive smirk ko. Hindi talaga nakakatiis ang mga babae sa akin. "Hindi ka lang makatiis sa akin. Ang gwapo ko noh?"

"Sure ka? Para ka kasi natatae."

_______________________________________________


Ano kaya gusto nun?


Punching bag?


Puno?


Boyfriend?


Psh! Bigay ko na lang sarili ko! Ahahaha- 


Ano bang pinag-iisip ko?!


Nasa conference room kami ngayon, nagbe-break. Kanina ko pa iniisip yung sinabi nung babae. 

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon