Snowdrop

10.9K 245 17
                                    


Hindi ko pa rin makalimutan.


Hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin,


Ang halik namin.


Mula nang mangyari 'yun, hindi ko makalimutan ang araw na 'yun, at hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin.


Ang mga labi niya,


Matagal ko na 'tong napapaginipan, at hindi ako makapaniwala na ganun katamis ang unang halik namin.


Pag naaalala ko, bumabalik ako sa araw na 'yun. Namumula ako, nanginginig ang buong katawan ko, naiisip ko siya...


Ang mga mata niya, ang ngiti niya, ang labi niya...


Hindi ko na kaya...


Gusto ko...


Gusto ko-


"ANO BA 'TO?! WALA NA BA IBANG PALABAS AT PURO NA LANG MGA KALANDIAN AT KABABALAGHAN?! KAYA MARAMING NABUBUNTIS SA HENERASYON NA 'TO, PURO MGA KALIBUGAN ANG LUMALABAS SA TV!" sigaw ko habang pinipindot ang remote ng TV. Kanina pa kong naghahanap ng matinong palabas pero araw ata ng mga malalandi ngayon, puro kacheesihan ang mga pinapalabas!

Bawat channel ay tungkol sa romance!

Ang news binabalita ang dalawang magsyota na nagpakamatay, sa sports naglalaban ang mag-asawa sa tennis, sa Disney pinapalabas ang Tangled at yung scene ay yung kumakanta sila sa bangka ng "I see the light", at pati rin ang documentary channel nakisali rin! Pinapalabas ngayon ang mating season ng mga unggoy! 

Tapos yung kaninang pinapanood ko halatang romance rin! Tungkol siya sa babaeng nalilibugan dahil lang sa first kiss nilang mag-syota at kung anu-ano na pumapasok sa kokote!

Pinatay ko na ang TV dahil sa HBO pinapalabas ang Twilight.

Wala akong gana ngayon maki-sparkle kay Edward.

Magmumukmok na lang ako, Bella-style!

Napasandal ako sa sofa at pinikit ang mga mata ko, pero binukas ko ulit. Pag sinasarado ko kasi, automatic bumabalik ang utak ko sa harap ng SC room kung saan nangyari yung...

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa aquarium ng turtle ko. Lumalangoy lang siya, at one point, tumama siya sa salamin at nagtago sa shell niya. Natawa ako at sinabi  "Alam ko na bata ka pa at 'di pa kita dapat binobombahan ng mga problema ko, pero kailangan ko na talaga ng wisdom mo, Leafy. Kahit lang baby wisdom mo. Sige, fine, makinig ka lang, ok?" Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina habang palanguy-langoy lang siya.

Talagang desperado ako para kausapin ang isang pagong.

"...so 'yun. Ano masasabi mo?"

Walang hiya 'to. Natutulog na. Iniwan ako sa ere.

"Nice talking." Tumayo ako at pumunta na sa room. Pagkahiga ko, pinikit ko ang mga mata ko. Ilang minuto nakalipas, hindi pa rin ako makatulog dahil nakapikit man o hindi, hindi ko matanggal sa isip ko ang nangyari.

Paulit-ulit siya na parang sirang plaka. 

Naramdaman ko na lang ng dumikit ang mga labi ko sa kanya-

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon