Petunia

8.3K 229 8
                                    


"Liezel, nasan si Henrique?"


Gusto ko rin malaman Cinta. Gusto ko rin malaman at sakalin yung #baboy na 'yun!


Sa lahat ng araw pwedeng mawala siya, ngayon pa siya nag-ala dora the explorer!


Presentation namin ngayon sa PE at siya na lang ang nawawala sa grupo namin.


Pag wala siya, wala akong partner, at pag wala akong partner, automatic bagsak ako! 


"Hindi ko alam sa lalaki na 'yan. Kung pwede lang talaga ako magpalit ng partner..." 

Kung pwede lang talaga.

Tumingin siya sa orasan niya. "May time pa naman. Gusto mo hanapin natin."

"Ok lang, ako na hahanap dun." Naghiwalay kami at lumabas ako ng gym at dumiretso sa likod. Kaya pinili ko puntahan ang likod kasi halos doon naman ang pwesto ng mga gangstaz.

Mahihilig sila sa lugar na madidilim at mapapanghi kung saan dumadapo ang mga lamok at pwede kang ma-dengue. Pwede nga sila maging basurero tutal sanay naman sila sa ganong kapaligiran.


'Yang mga Bubble Gang, Neknek Gang, at Pozo NeGang? Mga wala na 'yan!


May bagong hari na ng Tondo!


Masangsang Gang!


Amoy na amoy, anghit palabo'y!


Tsaka, alangan naman sa harap sila tumambay kung saan sumisikat ang araw. Baka mawala baho ng mga 'yan, maging downy ang amoy.


Nakarinig ka na ba ng Mahalimuyak gang?


Dito rin nakukuha ng mga sadista ang gamit na pang-hazing.  Wala sa budget kasi nila ang mga fly swatter kaya kung anu-ano ginagamit nila. 


At isa pa, bakit ang mga gangster sa wattpad ang gagwapo? Eh sa totoong buhay mahirap kang makahanap ng matino.


Para kasing mga binayo sa kanal.


Nang papalapit na ko sa dulo, may narinig akong nag-aaway kaya dahan-dahan ako lumapit at sumilip. Doon ko na nakita si #badboy na nag-iisang pinapalibutan ng apat na lalaki. Madudungis at hinihingal sila.

Si Henrique nakangisi pa 'to kahit may dugo nang tumutulo sa bunganga niya. "Akala ko ba babasagin niyo ang pagmumukha ko? Bakit yung isa- ay, dalawa pala, ang nangingitiman ang mga mata?"

"Fuck you, Guerra!" sabi ng may black eye. 

Natawa siya. "Biro mo? Nag-iisa lang ako dito, hindi niyo pa ko mapatumba? Hanggang salita lang kayo!"

Sumugod ang isang lalaki sa kanya pero iniwasan niya 'to at tinadyakan ang likod at napatumba. Sumunod naman ang isa at sinuntok 'to sa panga. "Mas gusto ko pang sumayaw kaysa paglaruan kayo!"

"Patay ka na talaga, Guerra!" galit nasabi ng isa pang may black-eye.

"Putak ka ng putak, nasan na?!" sumugod siya at pinagsusuntok ang lalaki hanggang sa tumumba. Nag-eenjoy ata siya kasi nakalimutan niya yung isa at sinipa siya nito. Malakas ang tira sa kanya dahil napakapit siya, pero mabilis siyang tumayo at hinead-butt 'to hanggang sa siya na lang ang nakatayo. "O ano?! Saan pumunta ang mga salita niyo? Pag makita ko ulit pagmumukha niyo sa teritoryo ko, hindi na kayo magigising pa sa susunod!"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon