Bonus: Yew Tree

7.3K 238 25
                                    


Babala: Seryoso itong chapter na 'to. Seryoso ako.

As in ni isa sa inyo ay walang tumawa. Pero pag peg niyo pa rin, then go lang.

________________________________________________ 


Jae-Sun's POV


Ang dilim.


Sobrang dilim.


Tulungan niyo ko.


Napalunok ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok isa sa kanila. Gusto ko man tumakbo pero nakatali ang paa't kamay ko. Ang magagawa ko lang ay pakinggan ang mga papalapit na yapak hanggang sa huminto 'to.

Nanginginig buong katawan ko.

Hinila akong patayo at naramdaman ang ngiti niyang alam kong babakas sa utak ko. Kahit ba nakatakip ang mga mata ko, alam ko siya ang pasimuno ng lahat nito.

"Do you miss your family?"

Hindi ako kumibo. Walang luhang tumulo. Naubos na 'to sa mga nakaraan na araw.

"Well good news! They'll finally pay the ransom. You'll see them soon enough!"

Hindi gumaan ang pakiramdam ko, lalo lang 'tong bumigat.

"Pity, if your brother were here, it would've been doubled!" Humalakhak 'to. "He was the one we're supposed to get, but plans change. You really were born with a golden spoon, Han Jae-Sun."

Naramdaman ko ang dila niya sa pisngi ko. Ang laway na may halong alak at sigarilyo ay dumikit dito, at sa tapang ng amoy pinilit kong hindi sumuka. Ang boses ko hindi makatakas dahil may nakabusal sa bibig ko. Binato ako at tumama ang likod ko sa malamig na sahig. Napalibutan ang katawan ko ng sakit sa pagkabagsak.

Tumawa ang demonyo. "Hahaha! Enjoy your last day here!" 

Malakas niyang sinarado ang pinto, at bumalik na naman ang katahimikan. Doon lang ako simulang umiyak, kahit ba walang tumutulo, iyak lang ako ng iyak. Hindi ko na maramdaman katawan ko. Gusto ko nang matulog.


Hyung, nasan ka?


Natatakot ako...


Gusto kitang makita...


May naramdaman akong kamay humawak sa aking nanginginig. Ako lang ang tao sa kwarto, pero hindi ako natakot sapagkat mainit 'to. Matagal akong hindi nakaramdam ng init mula ng dakipin ako. Hinigpitan niya ang hawak sa akin, na sinasabi magiging ok ang lahat. 

Pamilyar sa akin ang kamay, na parang nahawakan ko na 'to, pero hindi ko maalala kung kanino.

Ang alam ko lang, malapit siya sa puso ko. 


Jae-Sun


Itong boses...


Jae-Sun


Boses ng babae...


Jae-Sun


Sa kanya nga 'to.

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon