Carnation

8.7K 249 13
                                    


Nandito ako ngayon sa may nakatagong gazebo. Hinihintay ko kasi si Mei at gusto niyang sumabay sa akin pabalik ng dorm. Nag-iisip ako ng mga inaral ko nang may marinig akong mga boses.

"Sige na. Samahan mo na kami."

"Group study lang naman."

"S-Sorry, pero may naghihintay sa akin."

Kay Mei yung boses na 'yun at napatayo ako para silipin sila. Ayun na naman ang dalawang lalaking kadalasan gumugulo sa kanya. Pang ilang beses na 'to, nawala na nga ko sa bilang.

"Tuturuan ka lang namin ng mga tips, and techniques~"

"We'll teach you things beyond your imagination. We'll make you fly high in the sky~"


Tokneneng.


Mukhang kailangan ko ng mag-show time. "Mei nandito ka na pala!" sabi ko habang papalabas sa damuhan.

"Liezel!" tumakbo siya sa tabi ko. "I'm sorry, pinaghintay kita, dapat kanina pa ko nandito pero..."

"Minamanyak ka na naman ba nila?"

"Ikaw na naman?! Kelan mo ba kami lulubayan?!" galit na tanong ni B1.

Sinamaan ko silang tingin. "Eh kayo? Kelan niyo lulubayan si Mei at tanggapin na ayaw niya sa inyo?! May nalalaman pa kayong fly high in the sky! Itulak ko kayo sa bangin at tingnan natin kung magpa-fly high kayo!"

"Huh! Nagseslos ka lang dahil hindi ikaw ang gusto namin turuan ng techniques!" sabi ni B2.

"Oo nga, tsaka sino ba magtuturo dyan? Tingnan mo naman, kahit anong gawin mo dyan, wala kang mapapala. Baka nga wala kang makuha dyan dahil bato!" at nagtawanan sila.


Aba, may sinasabi 'tong mga bananas in pajamas.


At mukhang hindi gumagana kilay ko sa kanila. 


Sa kakahimas ko ata nawala yung magica


At ilang buhok.


Ngumisi ako. "Oo nga, wala talaga kayong mapapala sa akin. Ang kailangan ko kasi mga tunay na lalaki, yung meaty, hindi mga botcha na galing sa tabi-tabi. Yung mga galing ba sa kanal na mabilis masira, at hindi ka pa makokontento. One time use lang kumbaga. Iba talaga pag totoong lalaki, mas matibay, at guaranteed satisfaction."


Smooth, Liezel, smooth~


Galit na galit na ang mga saging at mukhang may gagawin kaya hinarangan ko si Mei at binulungan ko "Pag hindi na sila nakatingin, tumakas ka."

"Pero Liezel-"

Nakita kong susugurin kami at hinanda ko sarili ko, pero biglang may dumaan sa gitna namin at si B2 natumba.


*VRRROOOOOM*


Nakasakay sa motorsiklo sila Vitale at Katashi. Si Vitale ang nagda-drive at sinabi "Hindi ba tinuturo sa inyo na hindi pinapatulan ang babae?"

"Picking fights on school grounds, especially with women, are against the school rules and the law." sabi naman ni Katashi.

Pinaandar 'to ni Vitale at inikutan nila ang dalawa ng ilang beses hanggang sa natatakot mga 'to. 

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon