China Pink

9.1K 243 28
                                    


Ang sarap talaga sa pakiramdam pag napapalibutan ka ng mga puno, lalo na pag basa 'to sa ulan. Huminga ako ng malalim, finifeel ang amo'y. 


Amo'y inidoro.


"Mga tapos na mag-bihis dyan! Lumabas na kayo at magte-stretching na!"

"Opo, opo, ayan na po!" Asar naman 'tong si Raymond, sumisigaw pa eh nag-iisa lang ako sa girls CR.

Lumabas na ko at dumiretso sa mga lockers. Biglang nag-ring ang phone, at si mama ang tumatawag. Ni-loud speaker ko 'to at bumati "Hello?"

"Liezel! Kamusta na? Hindi kita ma-contact dahil sa bagyo! Nag-alala kami ng papa mo! Nag-black out ba dyan? Binaha ba? Nag-stay ba kayo sa gym? Sakto ba ang binigay sa inyong relief goods? May..." at marami pang malalayong tanong ang tinanong niya.

"Ma, ok lang po ko. Wala naman nangyari sa akin." 


Well, na trap ako sa elevator kasama isang prinsipe.


"Buti naman. May tsismis kasi sa mga kapit-bahay na lumubog na ang isla."

Napakurot ako ng noo ko. "Ma, hindi po sila kukuha ng mayayamang studyante kung sa isang bagyo lang lubog na ang isla."

"Sabagay. Nga pala, meron ka na?"

"Po?"

Natawa siya. "Alam mo na~"

Napaisip ako, at na-gets ko sinabi niya. "Nagkaroon na po ko last week."

"Hindi! Meron ka na bang boyfriend!"

"Ma, wala po. Wala akong balak mag-boyfriend, at wala akong balak kumuha dito."

"Sus~ baka tinatago mo lang siya~"

"Ano naman po mapapala ko pag tinago ko nga siya?"

"Hay nako anak! Hanggang kelan mo pa ba kami paghihintayin ng papa mo? Parehas kayo ng kuya mo! Mag-iilang taong na siya hindi pa kami mabigyan-bigyan ng apo!"


Paano kami napunta sa usapan na 'to? 


"Bata pa po kasi si kuya, at gusto niyang ienjoy ang bachelor life niya."

"Liezel?" tawag ni Diedrich. "Nandyan ka pa?"

"Sino 'yun Liezel?"

"Ah wala po, tinatawag na po ko sa training." sagot ko. Magpapaalam na sana ako ng makita ko si Diedrich sa pinto.

"Liezel?"

"Diedrich-ah! Master! Sandali lang po!" Nag-ayos na ko ng gamit.

"Nagrereklamo na naman si Ray." nakangiti niyang sabi. "You're always late raw."

"Diedrich? Lalaki ba 'yan?" biglang sabi ni mama sa phone.

Napatingin siya sa phone na hawak ko. "Oh, were you talking to someone? I'm so-"

"H-Hindi patapos na rin kami." 

"Anong patapos na? Hindi pa tayo tapos! At sino 'yang Diedrich na 'yan?! Sabi ko na nga ba may tinatago kang bata ka!" malakas ang pagkasabi niya kaya lumakas din ang speaker.

"W-Wala po kong tinatago, ma!"

"Is that your mother?'

Lumingon ako sa kanya, medyo nahihilo na ko sa kakasagot sa dalawang tao. "Oo, wag mo na lang pansi-"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon