Bonus: Sakura Tree

5.8K 213 18
                                    


Alejandro's POV


"Alex, tama na 'yan."

Napahinto ako sa pagpipirma at tumingin sa kanila. Ngayon ko lang napansin sa relo na late na, at ako na lang hinihintay.

"Mauna na kayo." sabi ko at bumalik sa mga papeles.

"Talaga?" wika ni Malcolm. "Yes! Hahabulin ko pa prinsesa ko! Magde-date night kami!"

Nairita ako pero hindi ko 'to pinansin. Nagpaalam sila at buti na lang nawala na. Kanina pang paulit-ulit kinukwento ni Malcolm ang mga kalandian nilang dalawa.

Nakakasuka. 

Naamoy ko ang kape at may naglapag nito sa mesa. "You should go ahead, Katashi."

"I'm the one who closes this room so it's my duty to make sure everyone has left."

Medyo napangiti ako. "Konti na lang 'to."

"Take your time."

 Uminom ako ng kape.


Naalala ko na naman siya...


"Katashi...mamaya, samahan mo ko."

____________________________________________________


"Yan 'yun?"

Nasa baywalk kami at tumitingin ng mga tinatawag na street food. Nainteresado ako sa isa nito, isa siyang malaking bola na kulay orange.

"Yes, this is what they call tokneneng." sagot ni Katashi.

"...Kinakain 'yan?"

"Bili na po kayo mga Sir." sabi ng tindero. "Masarap isawsaw 'yan sa suka."

"Sige, tig-isa kami. Pati rin 'yung isaw ba 'yun? Ikaw Katashi, kuha ka na ng gusto mo."

"There's a seventy percent chance this street food is unclean, Alex." May pagka-hygenic freak siya pagdating sa pagkain.

"Minsan lang naman." sagot ko.

"I'm just saying, though I don't mind eating delicacies from time to time. I'll have some of those fish balls."

Lahat ng binebenta ni manong kumuha kami, at nang kukuha na ng sauce, may lalaki kinagatan yung kinakain niya bago isawsaw. Parehas namin tiningnan ang suka habang sinasawsawan ng ibang bumibili.

Nakakasuka.

Humingi na lang kami ng bago at pumwesto sa upuan. Ang unang kinain ko yung tokneneng at matagal ko ng gusto 'tong subukan.

"Has your craving for tokneneng finally been satisfied?" tanong ng kasama ko.

"Pano mo naman nalaman?" 

"I saw you searching it on your laptop once."

"Itlog lang siya. Na-scam ata tayo."


TANG INA ANG SARAP!


Tahimik kaming kumain habang pinapanood ang dagat. Biglang humangin ng malamig at naalala ko na malapit na ang pasko. "San ba gustong mag-Christmas party nung iba?"

"They're fine with doing it in the SC room, though expect that they'll ask you to invite the girls." 

"Basta walang iba."

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon