Cherry Blossom II

6.9K 217 16
                                    


"Henrique, kunin mo yung cards sa wardrobe."


OMG


"Ginawa pa kong utusan."


Mabubunyag ako!


Narinig ko ang papalapit niyang yapak at lalo akong kinabahan. Huminto 'to at dahan-dahan bumukas ang pinto...hanggang sa nakita ko siya.


"WHAT THE FUCK?!"


SHET!

_________________________________________________


A few hours earlier...


"Let's go Liezel!"

Pang-apat na gabi namin sa Japan at nasa Kyoto kami. Malayo 'to sa Tokyo pero dahil sa bullet train nila tatlong oras lang ang biniyahe namin. Nagste-stay kami ngayon sa isang inn at papunta kami sa onsen nito. 

"Ayun!" wika ni Cinta. Pumasok kami sa locker room na papunta rin sa labas kung nasan ang hot spring. "Sabi ko sa'yo mahahanap natin!"

"Ang laki kasi ng lugar." Nilagay ko na mga gamit ko sa locker at magpapalit na nang makita ko si Cinta nakahubad. "Ci-Cinty?...Bakit ka-?"

"Ha? Ahh~ Haha! Pag maliligo sa onsen nakahubad dapat."

"Ganun ba..." Dinala ko pa naman swimsuit ko. 

Nagtanggal na ko ng damit at naligo muna kami bago lumabas. Malamig ang panahon pero paglusong namin sa hot spring nainitan kami kaagad. Buti na lang may harang dito at kung 'di baka may mamboso sa amin.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napansin ko lang kaming dalawa lang ang nandito at tinanong "Cinty, tama ba pinasukan natin? Tayo lang kasi nandito."

"Baka tapos na yung iba. Pagbalik natin andaming bumaba para maligo."

"Sabagay, medyo late na rin-" Bigla akong binasa at natawa siya. "Ganyan pala ha!" Nagbasahan kaming dalawa habang nagtatawanan. 

Maya-maya lang tumayo na siya at sinabi "Balik na tayo. Inaantok na ko."

"Mauna ka na. Gusto ko pa mag-stay."

"Ok!" Umahon na siya at pumasok sa locker room. Bago siya umalis sabi niya "Wag kang magtagal. Maglalaro pa tayo ng Shogi."

"Oo, sandali lang ako." Sumandal ako sa bato at napahikab. Medyo inaantok na rin ako pero tinatamad akong tumayo. Napapapikit ako hanggang sa tuluyan na kong nakatulog. Hindi ko alam kung gaano katagal pero nagising na lang ako sa malakas na tawanan.

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon