Cherry Blossom III

7.3K 219 21
                                    


"Hindi ka talaga pwede?"

"Hindi. Nagkasakit kasi si Iman. Pag hindi pwede yung president, ako ang in-charge. Sorry."

Pang-anim na araw na namin at kinabukasan babalik na kami. Pero sakto sa huling gabi magkakaroon ng shrine festival at gusto kong pumunta. 'Yun nga lang 'di pwede si Cinta dahil siya secretary namin.

"Pwede ka naman pumunta." sabi niya. "Walking distance lang siya dito."

"Wala nga lang ako kasama."

"Sabagay...Ah! Kailangan ko pa pala puntahan adviser natin. Una na ko."

"Sige." Naghiwalay kami at dumiretso ako sa lobby ng inn. Tiningnan ko yung poster kung saan ko nalaman na magkakaroon ng festival sa lokal na shrine.


Kung may makakasama lang ako...


"Wag ka ngang harang sa daan."

Napatingin ako kay Alejandro, at umalis sa daanan niya. "Pasensya naman."

Napansin niya ang poster. "Pupunta ka?"

"Hindi. Wala akong kasama."

"Kawawa ka naman."

Bago pa siya tuluyang umalis sinabi ko "Nagtanong ka pa!"

Lumingon siya sa akin. "Anong gusto mo? Yayain kita?"

"At parang  o-oo ako sa'yo!" at umalis na ko.

_________________________________________________


Dumating ang hapon at kakagaling lang namin ni Cinta sa city. Nag-eempake na kami ngayon at bukas babalik na kami sa Tokyo.

"Andami mong biniling souvenirs."

"Oo nga eh." sagot ko. "Baka mag-excess baggage na ko nito."

May kumatok sa pinto at tiningnan ni Cinta 'to. "Liezel, tawag ka."

"Nino?" Lumabas ako at nakita si Alejandro nakasandal sa pader. Chineck ko yung hallway at hinanap ang tumatawag sa akin.

"Nandito ako."

"Sinisigurado ko lang na hindi ako nagmamalik-mata. Ano ba 'yun?"

"Mag-ready ka't may pupuntahan tayo."

"Ha?"

Tumalikod siya. "Hihintayin kita sa labas." at umalis na 'to.

"Ano 'yun Liezel?" tanong ni Cinta.

"Ewan...pero mukhang magpapauto na naman ako sa dragon."

____________________________________________________


Nasa kotse kaming dalawa, at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kanina ko pa siya tinatanong pero hindi ako pinapansin.

Sakto huminto ang kotse at pinagbuksan siya ng driver at bumaba. Sumunod ako at pumasok kami sa isang shop. Sa loob, tindahan siya ng mga kimono, at halatang pang mayaman kasi may class ang place.

Habang may kinakausap siya, tiningnan ko ang mga display. Magaganda at elegante sila, pero ng tingnang ko ang price- 


OH MY GULAY!


Nilapitan ko 'to. "Ano ba ginagawa natin dito?"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon