Stock

7.6K 262 34
                                    


Buti na lang gumaling na paa ko. Ang hirap kaya maglakad nung nakaraang mga araw. Tapos inasar pa ko ng mga singit girls. Lumpo raw ako.


Deep down concern lang si Singit Queen sa'kin~


Anyway, nasa SM ako ngayon at balak bumili ng kahit anong pwede kong bilin sa pera ko. Tumatambak lang kasi sa banko yung allowance na binibigay sa akin ng academy kaya shopping spree ako ngayon.

Tsaka kailangan ko na rin bumili ng bagong underwear, yung ibang panty ko nangingilaw na sa kalumaan.

Pumasok ako sa department store at pumunta sa underwear section. Sakto bagong labas at cute mga display nila kaya marami rin akong nakuha. Pinoproblema ko lang kung ano kulay maganda. "Hmm~ Blue...o green?" 

"I think purple suits you."

"Mas cute 'tong with lace."

"Green."

"Are you sure this underwear is of high-quality?"

As in napapikit ako at inisip na wala akong narinig, na imposible naman nasa likod ko sila, na pinapanood akong pumili ng bra't panty. Dahan-dahan akong lumingon para makita nga sila, pinapanood akong pumili ng bra't panty.

"Anong ginagawa niyo di-" Nabitawan ko ang dala kong basket at kumalat ang mga underwear.

"Tulungan ka namin Zelda." sabi ni Malcolm.

"Wag niyong hawakan panty ko!" Pero nakapulot na yung iba at pinagkukuha ko mga 'to. "Lumayo kayo ng five feet sa akin!"

Lumayo nga sila at pinanood akong pulutin ang mga underwear. Pati rin ang ibang tao pinagtitinginan kami. 


Nakakahiya!


"Ate Zelda ito pa!" inabot sa akin ni Spencer ang panty.

"Thank you."

"Siya may thank you?" angal ni Henrique.

"May problema?" Ngayon ko lang napansin nakasakay si Spencer sa nirerentahan na cart na pambata. Bali nakasakay siya sa teacup. Nginitian lang ako nito at tinaasan ko ng kilay ang nagtutulak.

"May problema?" balik ni Henrique.

"Wala. Bagay sa'yo." Iniwanan ko sila at dumiretso sa bayaran. Habang nakapila pinanood ko ang mga prinispe sa may lingerie section, tumitingin mga 'to at nagsisitawanan na parang mga bata. Mga manyak talaga. Nagbayad na ko at tatakasan na sila ng biglang nag-teleport na naman sa tabi ko.

"San ka na pupunta Zelda?" tanong ni Malcolm.

"Aminin niyo, sinusundan niyo ba ko? Kung san ako magpunta, kung hindi isa sa inyo, nandun kayo lahat."

"Ang feeler mo. Baka nga ikaw sumusunod sa amin." sagot ni Henrique.

"Nag-iikot kami ng makita ka namin." sabi ni Jae-Sun.

"And I must say, you have nice taste when it comes to your underwear, my Liezel." nakangiting sabi ni Vitale.

Nakakakilabot naman 'to.

"Oo nga eh." sabi ni Malcolm. "Ang cute nila~ May polka-dots, stripes, tsaka type ko yung may ribbon. Tapos yung isa-"

"Sige, ipagkalat niyo pa!" Sinaulo na ata ng mga 'to pinamili ko! "Aalis na ko." Sinimulan ko maglakad, nang tinawag ako.

"Zelda, naiwan mo bra't panty mo!"


HINDI KO SILA KILALA!

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon