Bonus: Oak Tree

9K 227 4
                                    


Diedrich's POV


*BEEP BEEP BEEP*


Pagdilat ng dalawang mata ko, pinindot ko na ang snooze button at bumangon na.

My name is Diedrich von Eckstein. I am 17 years old and currently studying at Surrexerunt Academy. I'm still not comfortable in speaking Filipino and I do apologize if I keep changing from it to English.

Unang ginagawa ko sa umaga ay umiinom ng coffee at nagbabasa ng daily news sa tablet. After that pumasok ako sa banyo para mag-shower. Matagal-tagal din ako dun, hanggang sa may kumatok sa pinto.

"Diedrich! Do you want to build a snowman? C'mon let's go and play!"


Ohh, right


"Bespren!"


I'm supposed to go out with Malcolm.


"DIIIIIIIIEEEEEEEEDRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIICH!"


"Coming!" Naka-towel lang, lumabas na ko.

"Diedrich! You're late for our date!"

Binuksan ko ang pinto para makita si Malcolm naka-ready na. "Nang sinabi ko na magde-date tayo," tiningnan niya ang basang katawan ko at napangiti. "I didn't mean by that!"

I rolled my eyes. "Magbibihis lang ako." sabi ko at pumunta siya sa kwarto ko. Nang makabihis na ko, sumunod ako at nakita siyang gumugulong sa kama.

"Ahhh~ Kakaiba talaga amoy ng kama mo!" sabi niya habang inaamoy niya ang unan ko. "It smells like Diedrich!"

I chuckled. "Should I take that as a compliment?" 

Napaupo siya. "Oo! Pag mawala ka man, susundan ko lang scent mo!" Tumayo siya. "Basta bespren, kung san ka man pumunta, susundan kita forever and ever!"

Lumabas na kami sa room at ng building. Pagkababa pa lang namin sa stairs, may mga babaeng naghihintay na sa amin.

"Malcolm, are you free today?"

"Let's go watch a movie!"

"Ikaw Diedrich? Let's have a picnic!"

"Sorry girls, pero may ka-date na ko." sagot ni Malcolm.

"Pati rin si Diedrich?"

Magsasalita na ko nang akbayan ako ni Malcolm. "Actually si Diedrich ang idedate ko nagyon!"

"Ahh ganun ba..." 

"Then let's have a double date!"

"Bakla kayo?"

"Sorry but just the two of us!" lumingon siya sa akin hanggang sa ilang inches na lang ang mukha namin sa isa't-isa. "Hindi ba, Bae?" Kinindatan pa ko.

I sighed. "Whatever you say."

"Still," bumalik siya sa kanila "maaga pa naman, kaya may time pa kami sa inyo!"

_________________________________________________


We spent half of the day being surrounded by girls. Ngayon nagla-lunch na kami sa isa sa cafes ng Plaza. Sa excitement ni Malcolm, nakalimutan niya raw kumain ng breakfast. Matagal niya na raw hinihintay ang araw na 'to, kahit ba kahapon lang namin pinlano 'to.

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon