Poppy

12.5K 290 12
  • Dedicated kay Patricia Yu
                                    


"...Hmm...Ha?"


Dinilat ko mata 'ko at ang unang nakita 'ko ay ang langit na puno ng mga bituin.


Gabi na pala, pero bakit nasa labas ako? At bakit madamo ang hinihigaan 'ko?


Pumitas ako ng hinihigaan 'ko at tiningnan.


Damo nga.


Umupo ako at tiningnan ang paligid 'ko. Nasa kapatagan ako at kamalasan 'ko, wala akong makitang malapit na bayan, kahit nga bundok o mga puno wala. Para ngang desierto ng mga damo at dandelions.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tumayo ako nang biglang humangin, at yung mga talulot ng mga dandelion hinangin din. Parang nasa pelikula ako na romance at ilang sandali lang  dadating na si mystery guy.

Kulang na nga lang naka puting bestida ako, hehehe...


SHET!


Bakit ako naka-dress?! Hindi ko type ang mga ganito!


Kinapa 'ko ang hita 'ko at napansin walang shorts.


AAAAAAAAAAHHHHHHHHH!


In fairness, ang cute ng bestida~ Pero kahit na! Bagay ito sa mahahabang buhok! Yung akin nga wala pa sa balikat!


Napabuntong-hininga ako.


Ano ba kasi nangyari? Ang naalala ko nakahiga ako sa sofa namin at pinapanood ang bunutan, tapos...


Napatigil ako sa pag-iisip nang mapansin ko hindi na ako nag-iisa. Ang problema nga lang hindi ko alam kung sino sila, yung silhouette lang nakikita 'ko. Kahit yung liwanag ng mga bituin hindi sila matablan. Ang nakakakilabot biglaan silang sumulpot, parang kanina pa sila nandito, pinapanood ako. 

Pero ang nakakatakot pa ay sampu silang nakapaikot sa akin.


Sabi 'ko mystery guy! Hindi mga strangers in the night!


Ayaw ko na! Panaginip lang 'to Liezel, swear!


GISING!


Bigla akong nilamig. Hindi ko alam kung dahil sa hangin at yung paligid naming napapalibutan ng maraming talutot, o dahil isa sa shadows na papunta sa akin. Huminto malapit sa akin at kinikilabutan pa rin ako dahil kahit malapit na siya, pure black pa rin form niya.

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon