Narcissus

8.1K 282 14
                                    


Akala ko tapos na ang pagsisilbi ko sa mga prinsipe, pero anong ginagawa ko ngayon?


Umaakyat ako sa second floor ng canteen para puntahan sila.


Haay~ pinili mo naman din magpauto Liezel, kaya magpauto ka na all the way!


Sa canteen may mga private rooms at kung saan kadalasan kumakain ang mga prinsipe. Pagkaakyat, dumiretso ako sa kwarto sa dulo at kumatok. Pagkabukas ko pa lang ng pinto, ang sumalubong sa akin ang mukha ko.

Ang dambuhalang mukha ko na nasa tarpaulin.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang tagal mo Zelda! Ginugutom na kami!" salubong sa akin ni Henrique.

"S-San niyo nakuha 'yan?!" Tinuro ko 'yung tarpulin.

"Sa FB mo. Nagmamadali kami kaya yung DP mo na lang ginamit."

Nakakasira talaga ng araw.

"Tanggalin niyo nga 'yan!" inis kong sinabi.

"Wag ka naman KJ Zelda. Ang cute mo kaya! Diba?" sabi ni Malcolm at tumango yung iba.

Lumapit ako sa ten-seater na lamesa. "Yun tarpaulin ba ang rason kung bakit pinapunta niyo ko dito?!" 

"We haven't properly dismissed you on your last day." sagot ni Katashi.

"We- we want you to have lunch with us." sabi ni Jae-Sun.

"Naisipan namin na yayain ka mag-lunch, as a thanks na rin for all you've done." sabi ni Diedrich.

"Isipin mo na lang despidida mo 'to!" sabi ni Malcolm.


Mag-aabroad pala ako.


Sabi ni Vitale "My Liezel, have lunch with us, and you're lucky dahil ikaw ang mauunang babae makakasama namin kumain dito."

"Kailangan bang idisplay mukha ko?"

"We're just gonna have lunch, besides, hindi mo ba kami miss?"


Ugh.


"Hindi." 


Dahil araw-araw makikita ko rin pagmumukha niyo.


Nakangising sabi ni Henrique "Kahit isa sa amin?"

"Wala." sagot ko.

Sabi naman ni Malcolm "Pero miss ka namin Zelda! Lalong-lalo na si Alex! Miss na niya kape mo~"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon