Acanthus

11.2K 249 26
                                    


Choose wisely


Choose wisely? 


Anong ibig sabihin niya na choose wisely? 


Ano 'to, parang sa test lang na pipiliin ang best answer?


Pera o bayong? 


Harry Potter or Twilight?


Red, white, or blue pili na kayo?


Pati rin 'to pinoproblema ko! Kasi naman eh, bakit pa kasi kailangan niyang sabihin 'yun? Hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin niya! Lumalala na nga ang problema ko tapos dadagdagan ako ng "choose wisely"?


ARGH! Ang labo!


"Liezel, ok ka lang?" 

Napalingon ako kay Mei na nag-aalala sa akin, pati rin ang iba nakatingin sa akin.

Pagkatapos kasi ng klase, nagkita-kita kami sa Surrexerunt Square at nagkwentuhan. Hindi muna ako umattend ng archery training kasi wala ako sa mood, at ayaw ko munang makita ni isa sa prinsipe. 

Kinuwento ko ulit yung nangyari last week kay Katerina kasi nga nauna siyang umalis kaya hindi niya nakita ang shooting ng telenovela scene namin ni dragon kung saan sinampal ko siya. Hindi ko rin sila nakausap ng nakaraang mga araw kasi busy ako sa pag-aalipin sa sampung bata.

Nang maggagabi na, napag-isipan nila na kumain na lang sa Surrexerunt Plaza. Gusto rin kasi nila kumain ng pasta kaya dito kami nag-didinner ngayon sa isang italian restaurant, at sabi raw nila celebration na raw 'to dahil officially kasama na ko sa grupo nila.

"Ah, oo, ok lang."

"Kanina ka pa kasi nakatulala. Ayaw mo ang pagkain?" tanong niya.

Umiling ako. "H-Hindi, ang sarap nga eh! Hilig ko nga ang pesto! Napatulala ako sa sobrang sarap!" Bigla kong kinuha ang tinidor at sumubo ng maraming pasta hanggang mapuno na ang bibig ko.

Natawa sila at sabi Cinta "Hayaan mo Liezel, marami pa 'yan!"

Tumango si Tien. "Oo nga, marami pang pizza kaya kumain ka lang."

Masarap talaga ang pagkain, kaso hindi ko ma-enjoy kasi nga dahil sa nangyari kahapon, at dahil na rin sa sinabi sa akin kaninang umaga ni Sir Acklin. 

Tinanong ni Katerina "So, kamusta na ang pag-sisilbi mo sa kanila?" 

Na bilaukan ako. Ubo ako ng ubo at si Lien sa tabi ko hinimas ang likod ko. "H-Hah?"

"Ang mga prinsipe, ok lang ba sila sa'yo? Sabihin mo lang at pwede natin silang ireklamo kahit ba hawak nila ang student council." seryosong sabi niya.

 Kung ganun nga, marami akong marereklamo sa kanila.


Verbal abuse, Bullying, Sexual harrassment, Slavery...


"A-Ah h-hindi naman. Kaartehan ba pwedeng ireport?" sabi ko.

"Hindi na kailangan. Sampalin mo na lang."


Sinampal ko nga eh, isang-libong sapak ibinalik sa akin.


Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon