Canterbury Bells II

11.2K 239 39
                                    


"Nasaan ka...wala dito...wala sa ilalim...aha!"


Nakita ko rin ang kwarto ng manyak!


Lakad ako ng lakad sa hallway kakahanap sa kwarto ni Vitale. May pinapakuha kasi sila sa mga room nila at nasa huling kwarto na ko bago bumaba. Gamit ang key card, binuksan ko at pumasok sa madilim na kwarto. Nilagay ko sa isang tabi ang mga dala ko at sinubukan hanapin ang ilaw. Kinapa-kapa ko ang dingding, pero biglang may natamaan akong matigas. 

"Aray!" Hinimas ko ang tuhod ko habang ang isang kamay ko nakapa ang lampshade at binuksan ito, pero nagsisisi ako sa nakikita ko ngayon.


May something-something sa bed.


Guni-guni lang ata 'to, o kaya gutom lang.


Tama, gutom lang, hindi pa kasi kami nagdi-dinner.


Kasi kung hindi, isa na naman 'to sa mga panaginip ko, pero kakaiba na 'to talaga. Baka naka-rugby na ko. As in to the max na ang nasinghot ko para paglaruan na ko ng isip ko.


Kasi naman, sino bang matutuwa sa nakikita ko?


Meron pala, mga lalaki.


Habang nagpo-process ang utak ko, tuloy pa rin ang pagtitig ko sa babaeng nakahiga sa kama.


Ang babaeng naka-bra at panty sa kama.


Napag-isipan ko na lumabas na, at kalimutan ang lahat, tutal natutulog naman siya kaya no problems. Papatayin ko na sana ang lampshade pero gumalaw 'to.

"Hmm~ Vitale~ nandito ka na pala." sabi nito habang nakapikit pa rin.


Day, si Maya 'to.


"Kanina pa kita hinihintay, darling~"


Hinihintay ko nga rin si Sir Chief, ang tagal bumili ng extra rice ko.


"Nilalamig ako." sabi niya habang pagulong-gulong sa kama.


De magkumot ka dyan, kaysa pinaglalaruan mo na parang basahan.


"Lamig na lamig na talaga ako~ Kailangan ko na ng mainit na champorado~"


Tokneneng, lalo akong ginutom.


"Vitale~ pakainin mo na ko ng champorado mo~ Nilalamig na talaga ako~"


Buhusan kita ng champorado dyan.


"Gusto mong samahan ko na rin ng tuyo?" tanong ko.

Bigla 'tong bumangon at nagkatinginan kami ng ilang segundo bago 'tonagsuot ng bathrobe at salamin niya. "Anong ginagawa mo dito?!" 

"Ako nga dapat nagtatanong."

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon