Canterbury Bells I

10.8K 243 19
                                    


You are cordially invited in the 13th birthday celebration of

Sir Spencer Oswald Queshire.


We look forward to your attendance. 

 _________________________________________________________


"Wait lang manong- Aray!"

Muntik na kong matapilok sa heels ko, at naunahan pa ko sa jeep. 

Kakabili ko lang ng regalo kay Spencer at nag-aabang na lang ng masasakyan papuntang hotel. Kanina pa nga ko nandito, walang masakyan. Halos puno kasi, at traffic pa.


Sa susunod na jeep na dumaan sasabit na talaga ako! Kahit ba naka-dress at heels ako!


May nakita akong parating at pinara 'to, pero tuloy-tuloy lang siya.


Tokneneng tatakbuhin ko na 'yan!


Nang padaan na ang jeep, bigla akong may narinig na sunod-sunod na ubo. May nakita akong lolo na inuubo hanggang sa lumala 'to. Ang mga tao naman nilalampasan lang siya at naawa ako. Nilapitan ko siya at tinanong "Manong, ok lang po kayo?"

Hindi siya makasagot, kaya hinimas ko ang likod niya. Napatingin siya sa akin at tinuro ang leeg niya. 

"Ano po 'yun? Masakit po ba?"

Tinuro niya ulit ang leeg niya at napaubo, tapos may kinuhang baunan. Ang laman lang nito ay mga tinik ng-


Oh My Galunggong!


May tinik siya sa lalamunan!


Hindi ko alam kung ano gagawin ko, pero wala na akong nagawa kung 'di hampasin ang likod nito ng biglang sumalampak 'to sa semento at mukhang nabibilaukan na. Nang nanahimik 'to at hindi gumagalaw, bigla akong kinabahan at lalo kong pinaghahampas ko ng. Akala ko talaga patay na nang magsalita "Hi-Hija! Ta-tama na! Ma-mamamatay ako sa p-pagpalo m-mo sa'kin niyan!"

"Ay! Sorry po!" Tumigil na ko at tinulungan ko siyang tumayo. 

"Ay nako hija~ Salamat talaga sa'yo, kung wala ka, baka kung ano na mangyari sa akin pa! Ang daming dumaan pero ikaw lang ang tumulong sa akin."

"Ok lang po, pero ok na po ba kayo? Pwede po ko magtawag ng taxi at ihatid kayo sa osptial."

Umiling siya. "Ay hindi na, nag-abala ka pa. Tsaka wala na rin akong nararamdaman.'

May nakita akong tindahan na malapit lang sa amin at sinabi ko "Sandali lang po ha? Bilhan ko lang po kayo ng tubig." Pumunta ako sa babae at bumili ng tubig. Pagkabalik inabot ko 'to sa kanya at sinabi "Inumin niyo po."

"Salamat talaga~ Nakalimutan ko magdala ng tubig kaya kanina pa ko uhaw na uhaw." Inubos niya 'to. "Ano bang pangalan mo?"

"Liezel po."

"Salamat Liezel, at pasensya na sa abala, mukhang may pupuntahan ka pang party."

"Ah, hindi, ok lang po." 

"Sige, ganito na lang. San ba punta mo?" 

"Sa ano po," kinuha ko ang invitation sa purse ko at pinakita sa kanya. Mukhang alam niya ang lugar kasi bigla na lang 'to nagsabing "Sige, ihahatid kita."

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon