Gardenia II

6.2K 225 66
                                    


??? POV


Pagpasok ko sa canteen, ang unang namataan ko ay ang prinsesa. 

Kasama niya ang mga kaibigan sa mesa nila habang pinagkakaguluhan ang mga rosas niya.

Napansin ako ng kaibigan ko at inakala ang tinitingnan ko yung maid. Kanina pa nga niya napapansin na mas masaya ako ngayon.

Ang sabi ko lang, maganda ang gising ko ngayong araw.

Umakyat kami sa second floor at dumiretso sa room namin. Nakahanda na ang food kaya pag-upo kumain na kami. Hindi ako nagpahalata sa iba. Sumali ako sa kwentuhan nila na parang normal lang, pero sa sarili ko, ito na ang araw.


Ang araw na malalaman nang lahat kung sino talaga para sa kanya.


Napatingin ako sa kanila.


Pasensya na kung may masaktan man ako sa inyo. Alam ko naman na meron din kayo nararamdaman sa kanya, pero ganun talaga...


Isa lang sa atin ang pwedeng makasama niya. 


Hayaan niyo at ipapangako ko na aalagaan ko siya mabuti at poprotektahan ko siya.


Hinding-hindi ko siya sasaktan at papasayahin ko siya araw-araw.


Pasimple kong tiningnan sa bag ang regalo ko sa kanya. Kung kagabi kinakabahan ako, ngayon hindi na dahil sigurado na ko sa gagawin ko.

"Are you ok?" tanong ng kaibigan ko.

"I'm fine." 


More than fine.


I'll be the happiest guy today, and I'm sure of it.


Natapos na rin kami at maya-maya lang pababa na. Nakita ko na inaapi na naman nila ang prinsesa ko.

Mukhang masasakit ang sinasabi sa kanya dahil hindi siya lumalaban kagaya ng mga nakaraan. Lalapit na ko ng napatigil ako sa nangyari.

Sinampal ang kamay niya at nahulog ang mga hawak niyang rosas.

Hindi ko mapigilan magalit, pero kinalma ko sarili ko. 

"What's wrong?" 

Humarap ako at nginitian sila. "Wish me luck guys."

Iniwan ko silang nagtataka at dumiretso sa prinsesa ko. Naabutan ko siyang pinupulot 'to at inabot sa kanya ang isa nito.

"Here,"

Tiningnan niya 'to at binilang yung nasa kanya.

"Saan galing-" lumaki mga mata nito, at dahan-dahan siyang tumingin sa akin habang hawak ko ang huling regalo ko sa kanya.


Ang pang-sampung rosas.


"Hello? Guys what's happening?" tanong ng nasa laptop.

Lahat ng mata ay nakatitig sa amin, walang nagsalita, at hindi sila makapaniwala sa nangyayari.

Ngumiti ako, at lumabas sa aking bibig ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya...

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon