Coffea

10.4K 252 24
                                    


Lagi na lang umuulan


Parang walang katapusan


Which is fine with me cuz' gustong-gusto ko ang ulan.


 Lalo na pag-sinususpende ang klase!


Kagaya ngayon, suspended ang panghapon na klase kaya joy to the world!


 Pero may kickback...


Dumagdag ang oras ko sa pagsisilbi sa mga tipaklong!


Makabalik na nga sa pagdadrama ko.


Tulad ng paghihirap ko ngayon


"Kayong Pinoy talaga, todo ang pagda-drama."

Napalingon ako sa nakangiting Malcolm na nakasandal sa pinto ng conference room. Nakaka-isang oras na ko sa kakahintay sa kanila dahil may pinagmi-meetingan sila.

"Nasa dugo namin." Bumaba ako sa platform. "Tapos na ba kayo?"

Umiling siya. "Nope."

"Ano ba kasing pinag-uusapan niyo dyan? Nabo-bored na kasi ako."

"Secret! Buti ka pa nga nalalabas mo ang pagdadalamhati mo, with rain effects pa!" Lumapit siya sa akin. "Kami nga humikab lang ide-death glare na kami ni commander!"

"Eh bakit nga ba kasi sumasama pa kayo doon? Pati rin ba naman sa meeting nung tatlo nakiki-saling-pusa kayo."

Napangiti siya. "Kahit ba minor lang mga positions namin, kailangan pa rin kami."

Napataas ako ng kilay. "Teka, lahat kayo nasa SC? Akala ko ba yung tatlo lang?"

"Si Zelda talaga." Napailing siya. "Akala mo siguro nakiki-ride lang kami sa spotlight nila noh?"

Nagkibit-balikat ako. "Ganun na nga."

"Para naman ma-shed ng light ang mind mo, lahat kami ay may mga posisyon. 'Yun nga lang, mga minor lang. Ayaw mong maniwala? Tingnan mo ang bulletin board sa baba, makikita mo pics namin, lalo na sa akin, umaapaw ang kagwapuhan ko!"

No thanks, pero nagsasawa na ko sa pagmumukha niyo.

"So mga VIP rin kayo?" 

Natawa siya. "Parang ganun na nga. Sila Enzo at Henrique ang may posisyon at kaming natitira mga head ng committees. Ang kulang lang namin ay ang mga nangingintab na lamesa at upuan. By the way Zelda, bilib ako sa'yo! Napabilib mo kaming lahat! Hindi namin inakala may tinatago kang rabbit sa palda mo!"

Rabbit sa palda?

"Ano?"

"Sa lahat ng regalo na natanggap niya, napa-ibig siya kay Liezel!" 

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Tinaas ang mga kamay niya sa ulo niya at parang nagkaroon 'to ng dalawang sungay. "Si Liezel bunny! Yung regalo mo! Hanggang ngayon hindi pa rin niya binubuksan ang mga ibang regalo kasi hindi mabitaw-bitawan yung manika. Nung Sunday nga ng gabi, dinala namin siya sa isang club at dala-dala niya 'yun. Kinukuha nga namin para maka-enjoy siya pero ayaw at dun lang daw 'yun sa tabi niya. Nagalit nga siya sa isang babae kasi inasar niya yung laruan. Medyo out of place nga siya kung iisipin mo."

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon