"Hi ate Zelda!'
"Ah, Spencer nandito ka pala." Papalabas na sana ako ng school gate nang biglang sumulpot siya. "Bibisitahin mo mga kuya mo?"
Umiling siya. "Pinuntahan na ko ni kuya Henrique kahapon. Binigay niya sa akin yung video nung mag-karaoke kayo at napanood ko na. Ang galing mo pala kumanta ate Zelda!"
Natawa ako. "Thank you. Sayang nga, sana nandoon ka."
"Oo nga. Ang saya-saya niyo pa naman sa video." Nag-pout siya at hinigpitan ang hawak kay Liezel bunny. "Bwisit secretary ng MS. Hindi kasi ako pinayagan ate Zelda! Kung nandun lang si principal nung time na 'yun papayagan ako, pero hindi." Nag-iba itsura nito at sinasakal na niya ako- este yung manika. "Siya lang nandun at nakikipaglandi sa butler. Nagalit siya sa akin! Kasalanan ko bang malandi siya!"
Ahaha...lumalabas sungay niya...
"Ok lang 'yan. Next time sama ka na lang."
Napangiti siya. "Isasama nga ko nila sa isang bar sa weekend."
Biglang naalala ko yung pinuntahan ko sila sa nightclub.
Ugh. Bad memories.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.
"Para sa'yo! Sama ka sa akin ate Zelda!'
"Saan?"
Saktong may pumarada na itim na kotse sa harap namin. Lumabas ang driver at binuksan ang pinto.
"Punta tayo sa Elementary division." sabi niya at kinuha kamay ko.
"B-Bakit naman?" pero hinila na ko patungo sa kotse.
"Para makita mo naging building ko dati!"
__________________________________________________
"TADAH! Nandito na tayo!"
Ang elementary building ay mas malaki sa HS dahil nandito ang mga grade 1 to 6 students. Malapit lang din dito ang preschool kaya may nakikita akong mga chikiting na naglalaro. Nang pumasok kami sa gate, may mga napapatingin sa akin at nagbubulungan.
"Hey, that's the lotto girl."
"Sabi raw ni ate siya sumampal sa prince."
"Of course it's her. Just look, she's got commoner written all over her face."
Haay~ Hirap talaga maging peymus~
*flips short hair*
"Ngayon lang ako nakakita ng pulubi."
Ok sino 'yun?
Pinapalibutan si Spencer ng mga babae. Binibigyan 'to ng mga sweets, drawings, o kaya naman letters. May narinig akong nag-uusap sa tabi ko.
"Sasabihin ko na ba na c-crush ko siya?"
"Oo. Malay mo next year nag-hoholding hands na kayo."
"M-Masyadong mabilis naman 'yun. Gusto ko tingnan niya ko at hindi niya aalisin mga mata niya sa akin~"
BINABASA MO ANG
Surrexerunt Academy
Novela Juvenil1 Babae 10 Prinsipe Si Liezel ay may normal na buhay, sa pagkasabi niya. Pero mula nang mabunot siya para makapasok sa Surrexerunt Academy, ang eskwelahan ng mga mayayaman na foreigners at kung saan ang mga tinatawag na Princes of the Roses nag-aara...