Rosemary

8K 225 15
                                    


"Last day mo ngayon diba?"


Last day mo ngayon.


Last day mo.


Last day.


Last.


"Diba Liezel?" tanong ni Mei.

"Oo." Magtatapos na ang paghihirap ko mamayang hapon. Ilang oras na lang makakawala na ko sa piitan ng mga prinsipe, at matitikman ko na ang tamis ng kalayaan, kagaya ng nalasan ng mga ninuno natin.


YEEEEEEEEEEEEEEEEEAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH! PARTEH! PARTEH! PARTEH!


Natawa si Cinta. "Tuwang-tuwa ka Liezel!"

"Oo naman! Mababayaran ko na rin utang ko sa kanila!"

"Hindi mo sila mamimiss?" tanong ni Mei.

"Hindi noh! Tsaka makikita ko pa rin sila, eh nandyan-dyan lang mga 'yun kahit saan ako magpunta."

Nginitian niya ko. "Well kung masaya ka, masaya rin ako."

Tumango si Cinta. "Oo, tsaka makakasama ka na rin sa amin."

"Haha, kaya nga." Tumayo na kami at malapit na mag-afternoon classes.

Habang naglalakad kami, tinanong ni Cinta. "Anong gagawin mo mamaya?"

"Kung ano lang siguro ginagawa ko. Hindi naman sila siguro magpapa-party. Baka nga lalo akong pahirapan ng mga 'yun kasi last day na."

__________________________________________________


"Hello?" 

"Zelda, ang tagal mo. Timpla mo kaming kape." utos ni Henrique.

Pumasok ako at nilapag ang gamit ko. "Sandali lang." Dumiretso na ko ng kusina at hinanda ang kape. Dala-dala 'to, binigyan ko sila isa-isa, pagkatapos umupo ako sa isang tabi.

Pinagmasdan ko sila, ganun pa rin ginagawa nila nung unang trabaho ko dito. Si Alejandro at Katashi busy sa desk nila. Si Constantine natutulog sa ilalim ng sofa kung saan ko siya tinadyakan. Sila Vitale at Henrique naman nagbabasa ng magazine. Ang kambal naglalaro sa laptop nila. Si Diedrich nagbabasa ng libro at sila Malcolm at Spencer nag-lalaro ng chess.

Parang every other day nga lang. Hindi niyo iisipin na last day ko na dito.

Habang naghihintay, naglaro ako sa tablet. Maya-maya lang hindi ko na namalayan, nakaka-isang oras na ko.

Isang oras na lang lalabas na ko at hindi na ko babalik.

Naisip kong puntahan sila. Pumunta muna ako Diedrich, mukhang tapos na niya ang librong binabasa niya. "Diedrich, tapos mo na ang libro?"

Tumango siya. "Yes. It's really good. Gusto mong i-borrow?" 

Umiling ako. "Hindi. Actually nabasa ko na 'yan. Maganda nga siya, nakaka-excite every page."

Napatitig siya sa akin bago napangiti. "Haha, you really are bold, pero I admit, I thought you weren't into these kind of books."

"Sus, ako pa. Mahihilig ako sa mga ganyan. Nung araw na nabili ko 'yan, natapos ko rin nung araw na 'yun, kaya the next day binili ko na ang second and third book. Nakaka-addict, tsaka talagang mararamdaman mo na parang ikaw ang bida sa story kasi sobrang detalyado niya. Mafi-feel mo kung ano nafi-feel niya! Excited na nga ko sa movie!"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon