Acacia

11.1K 241 7
                                    


"Ano ba nangyari at napunta ka sa sitwasyon na 'yan?!"

Kunwari 'di ko narinig kahit ba katabi ko na siya at mukha niya malapit na sa tenga ko. Patuloy lang ako sa paglalaro ng electric guitar ko habang iniisip ang mga nota. "Tapos ganito..."

"Zel,"

"Ahh~ ayun, kuha ko na."

"LIEZEL!" sigaw ni Monica at napatakip ako ng tenga ko. 

Kinuha niya ang gitara at hinagis kay Kris na napamura dahil nabitawan niya ang kinakain niyang burger. Lumingon ako sa mga kaibigan ko; si Monica naiirita na sa akin. "Ewan ko ba."

"Anong ewan?! Nung isang araw kausap kita sabi mo ok ang lahat at naglalaba ka lang ng mga panties mo!"

"At mga bra." sabi ni Kris.

"Imposible naman na gawin ka nilang katulong for one month na walang reason. Ano 'yun? Trip-trip lang?" sabi ni Sarah habang pinupunasan niya ang bass niya.

Nabanggit ko pala minsan na banda kami. Si Blynne ang pianist, si Kris ang drummer, sa bass si Sarah, at kami ni Monica ay sa gitara, pero siya ang lead vocalist namin at ako ang lead guitarist. Paminsan-minsan din pinapakanta nila ako kasi sa sobrang dumi ng mga tenga ng mga 'yan na binabahayan na ng mga insekto, ang ganda raw ng boses ko. Nakaraang pasko nga binigyan ko sila ng tig-iisang baso ng cotton buds na may card na nakalagay ay "Linisin niyo mga tenga niyo, nangangamoy na kasi :P"

Nasa studio kami ng isang music shop na pagmamay-ari ng tatay ni Sarah. At since kaibigan namin siya, libre ang gamit namin sa isa sa mga studio.

"LIEZEL!" sigaw ulit ni Monica.

"Oo na, oo na!" Napabuntong-hininga ako, at kinuwento na kung ano dahilan kung bakit ako naging alipin sa sampung lalaki.  Kasama na rin dyan ang pag-sampal ko at pagbatuhan namin ng damit niya na parang tanga lang.

Nung kalagitnaan kasi ng break namin, nakwento ko ang mga nangyari sa akin ng first two weeks sa academy. Wala nga akong balak ikwento ang mga prinsipe pero nadulas sa bibig ko na magiging busy ako dahil sa "part-time job" ko. Tinuloy-tuloy ko na lang, at kinilig pa sila Monica at Sarah nung kinukwento ko ang pag-torture nila sa akin. 

Mga masochista ang mga bruha na 'to. 

Buti pa yung dalawa, natawa ng kinuwento ko sa pag-tadyak ko sa isa sa prinsipe...ay hindi, mga masochista rin pala 'to.

Pagkatapos ng kwento ko, tinitigan lang nila ako ng ilang segundo nang biglang pumalakpak at ngumiti sila. 

Napataas ako ng kilay. "Anyare sa inyo?"

"Ladies and...instruments! Ang bayani ng mga kababaihan, Liezel Diaz!" sigaw ni Kris.

"Ang SANTO ng mga kababaihan!" sabi ni Sarah.

"Bigyan ng jacket!" sigaw ni Blynne habang nakaturo sa akin.

"Mag-alay tayo ng tatlong palakpak at tatlong tadyak!" sabi ni Monica, at ginawa nga nila.

Ako naman nakatunganga sa kanila. "Nasisiraan na ba kayo?"

"Ano ka ba Zel, yung ginawa mo isang malaking sampal!" sabi Sarah.

"Oo nga, sinampal ko nga yung dragon na 'yun!"

Umupo si Blynne sa harap ko. "What she meant is isang malaking sampal 'yun sa kanila! Hindi lang si Alejandro-haba-the-name! Kung sa kwento mo sila ang "hari" ng school, parang sinira mo ang image nila! At ano ka ba, you showed them na hindi nila pwede ganunin ang mga babae!"

"Hindi lang 'yun, pinakita mo rin na ikaw si Liezel Diaz; ang babae na 'di basta-basta pwedeng hawakan! Kung ang mga huling winners petiks lang sa kanila, ikaw pa! Baka mag-isip-isip na ang mga 'yun!" sabi Kris.

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon