Nasturtium

6.1K 228 37
                                    


Minsan talaga sa buhay mamalasin ka.


Parang ngayon, nakidnap lang naman ako.


Ang cliche noh? 


Pero seryoso,


HELP ME!


"Bitawan niyo ko!" Buhat-buhat ako ng isa sa kanila at hindi ko alam kung saan ako dadalin dahil naka-blindfold ako. 

Kung paano ako napunta sa sitwasyon na 'to, ewan ko lang rin. Kakagaling ko lang sa mall nang biglang may kotse na huminto sa harapan ko at sa likod ko may tumakip ng ilong ko. May pangpatulog siguro dahil pagkagising ko naka-blindfold na ko at nasa kotse. Ngayon mukhang dinala nila ako sa hideout nila.

"Itali niyo diyan."

Inupo ako at tinali nga sa upuan. Pamilyar sa akin ang mga boses, pero 'di ko maalala kung kanino. "Pakawalan niyo ko! Hindi ako mayaman!...Sakto lang."

"Takpan niyo nga bibig niyan!"

"Walang pantakip."

Hinawakan mukha ko. "Mga pasmado-Mmmph! Mmph! P-Pweh! Kadiri! Hindi pa kayo naghuhugas ng kamay!"

"T*ng ina! Pag hindi ka pa tumahimik makakatikim ka nito!"


Tinatakot ata ako, ewan, 'di ko sure.


#blind


"Takot lang talaga kailangan para manahimik ka!" 

"Pano ako matatakot eh 'di ko nga makita kung ano nangyayari." Tinanggal niya blindfold ko. Nung una kinakabahan ako nang malaman ko na nakidnap ako. Ngayon, naramdaman ko na ang takot, at hindi dahil sa baril na baliktad na nakatuktok sa akin, kung 'di sa mga mukha nila.


Sila baklang pedo rapist na kidnappers.


"Papaputukin ko 'to sa'yo!" 

"Pre, baliktad hawak mo." sabi ni pedo 3.

Hinarap ang butas sa akin. "Yan!"

"Wala pa lang bala 'ya-Aray!" binatuhan siya nung baril.

"Mga gunggong talaga kayo!" galit na sabi ni pedo 1. "Gusto niyo na naman masira plano natin?! Umayos kayo!"

"Bakit ka nagagalit sa akin?" angal ni pedo 2.

Habang nag-aaway sila, tiningnan ko ang paligid. Nasa malaking teatro kami. Halatang luma na 'to at maraming alikabok at sira ang mga gamit.

"N-nasan tayo?" tanong ko kay pedo 3.

"Nasa Manila Film Center."

"A-ANO?! Maraming mumo dito! Ayaw ko! Alis niyo ko dito! Marami akong alam na warehouse na pwede niyo kong dalin basta wag lang dito!"

"Tumahimik ka nga!" sabi ni pedo 1.

"Hanggang ngayon raw nandito pa kaluluwa ng mga natabunan!"

"At sasama ka sa kanila pag hindi mo isasara yang bibig mo!"

"Balak nga namin una sa Ozone Disco." wika ni pedo 2.

"ANO?! Sa susunond niyan sa Diplomat Hotel na! Ayaw ko! Dito na lang tayo! Mas happy ako dito! Promise magpapakabait ako, wag niyo lang ako iwan!"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon