And we can build this dream together
Standing strong forever
Nothing's gonna stop us now
"Hm..."
And if this world runs out of lovers
We'll still have each other.
Nothing's gonna stop us,
Nothing's gonna stop us now
Akala ko nagpapatugtog si papa ng Sunday songs niya, at gustung-gusto ko pa naman 'yang kanta na 'yan, nang biglang maalala ko na wala na ko sa bahay at Lunes ngayon, at yung tumutunog na 'yun ay ang cellphone. Kinuha ko 'to sa desk at sinabi "...Hello?"
"Gising-gising Liezel! First day mo ngayon kaya 'di ka dapat ma-late! Na-ready mo na ba gamit mo? Nakaligo ka na ba? Ano kinain mo? At..." And so on and so forth.
At habang tanong ng tanong si mama, tiningnan 'ko yung alarm clock...
5:34 am
Ang klase ko pa 8.
"...Liezel! Nakikinig ka ba?"
Napaupo ako. "Opo."
"Hay nako! Kung pwede nga lang kami tumira dyan ng papa mo! Hindi ka pwede pakupad-kupad dyan! At mag-ayos ka ha? Dapat maayos and dating mo sa kanila!"
"Opo."
"O sige, at pinapasabi ni papa na look smart! Good luck sa'yo anak! Ano sinasabi ng mga Koreano? Ah! Fighting!"
Nasosobrahan na talaga si mama sa mga koreanovela.
Nang mag-hang si mama, natulog ako ulit.
_______________________________________________________
Pagkagising, naligo at nagbihis na 'ko.
Ang uniform namin ay sosyal, as in high-quality.
Ang uniform ng babae ay puti at ang design ay itim na may pagka-artistic pa. Naka-blouse kami pero pinapatungan pa ito ng blazer kapag wet season, at pag tag-init naka-sweater vest naman. Ang pleated skirt ay above the knee, at yung boots, yes required kaming magsuot ng black, stylish boots, ay below the knee. Ang nakakainis pa ay may red ribbon sa neck at silver belt buckle sa waist.
Sa lalaki ay parehas lang sa babae, except naka-pants sila of course, pero itim ang kulay ng uniform nila except ang polo at ang mga design na puti. School shoes ang ginagamit nila at ang necktie ay red at yung belt buckle ay gold.
Parang nagko-cosplay na nga kami eh, kulang na lang may beret pa.
Actually meron, pero sa elementary lang yun.
Habang tinitingnan ko ang mapa sa cellphone, kumuha ako ng tinapay sa bread box. Mga 10-15 minutes lakad ko kaya nag-ready na ko.
"Sige Leafy, papasok na ko, wish me luck~" sabi ko sa natutulog kong pagong.
Paglabas, may nakita akong studyante papuntang elevator kaya sumabay na ko sa kanya. Nginitian ko pa nga, pero tinaasan lang ako ng kilay at hindi na ko pinansin.
Snob.
Pagbaba, konti lang ang nakikita kong mga babae, pati rin paglabas ko at nakita ang mga lalaki sa kabila, iilan lang rin.
BINABASA MO ANG
Surrexerunt Academy
Jugendliteratur1 Babae 10 Prinsipe Si Liezel ay may normal na buhay, sa pagkasabi niya. Pero mula nang mabunot siya para makapasok sa Surrexerunt Academy, ang eskwelahan ng mga mayayaman na foreigners at kung saan ang mga tinatawag na Princes of the Roses nag-aara...