Periwinkle

10.7K 274 39
                                    


Pagdating ng Sabado, napag-isipan kong lumabas, at para na rin makalanghap ng "fresh air" sapagkat ako'y malapit nang mabaliw sa kwarto na 'to.

Pababa ako ng elevator nang huminto 'to sa 1st floor at may pumasok na 1st year na ngumiti sa akin at binalik ko naman 'to. Tahimik kaming bumaba at nauna akong lumabas sa kanya. Pagdating sa may gate ng dorm, nakita ko na naman yung babae na nakasabay ko sa elevator, at nagtaka ako kasi bago ako umalis, nakita ko siyang pumunta sa may restaurant. 

Nagkatinginan kami at ngumiti siya, at binalik ko rin 'to bago ko siya iniwanan.

Buti na lang maaraw, kung hindi, stuck ako sa room. Ayaw nila mama umuwi ako kasi raw wala pang isang linggo uuwi na ko. Maghintay raw ako ng isang buwan bago ko silang bisitahin.

Kaysa matuwa, nagagalit pa. 

Habang naglalakad papunta sa HS building may nakasalubong ako.


At alam niyo kung sino?


Yung girl sa elevator at sa gate.


Medyo nagtataka na ko ha. Wala akong nakitang studyante, o nakasabay man sa kalye mula nang umalis ako. Tumingin siya sa akin at ngumiti na naman bago niya kong lampasan. Napahinto ako nang biglang humangin, at ako ay may masamang kutob.

 Lumingon ako at tama nga hinala ko...


Wala siya.


Naka-world record ata ako for being the fastest girl in the universe.

_________________________________________________________


Pagdating sa school, tuloy canteen ako at humingi ng isang pitsel ng tubig. Gusto ko ngang tungain pero tinitingnan ako ng mga waiter, nagtataka siguro kung bakit hinihingal ako.

Habang nagpapahinga, at para na rin makalimutan yung kanina, inisip ko kung anong club ang titingnan ko. Napag-isipan ko kagabi yung sinabi ni Mei, kasama na rin dyan ang pag-pilit ni mama sa akin na sumali ako sa school activities, at para na rin sulit stay ko dito. Tiningnan ko sa app ng school, which is now available on iTunes App Store and Google Play.  Maraming lumabas, pero yung mga club ay halatang pang sosyal, kagaya ng Gentlemen's club, Ladies club, Tea club, Fashion Club, etc. May mga normal din kagaya ng Debate club, Music club, at ang Student Council na kinukulam ko hanggang ngayon. Buti na lang yung ibang sports club nila alam ko kaya 'yun ang naisip kong tingnan.

Lumabas ako sa canteen at dumiretso sa back door ng school. Pagkaliko ko, doon ko lang nalaman na tinotopak na talaga ang utak ko.

Napanood niyo na ba ang "The Shining"? Kasi yung scene ng kambal doon, naging totoo, at palapit sila ngayon sa akin.


NASAAN ANG EXORCIST?!


In fairness, ang cute ng mga multo.


Napasandal ako sa pader at doon ko lang napansin na hindi na ko makakatakas pa!


Sabay silang nagsalita "Hi!" 

"Ayaw kong makipaglaro! Swear! Kunin niyo ang kaluluha ko bago niyo kainin ang body ko! Binibigay ko na! Paliguan niyo pa ko ng patis!"

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon