Geranium

10.5K 242 23
                                    


"Liezel, sabay tayo pumuntang PE!" 

Napalingon ako at nakita si Cinta tumatakbo sa akin, pero biglang nadulas 'to at-


*BAM*


Tumama mukha niya sa pader. Dali-dali akong pumunta sa tabi niya at tinulungan 'tong tumayo. "Ok ka lang ba?!" Sa ngiting nakikita ko, kailangan ko atang dalhin sa ospital.

Tumawa siya. "Ok lang! Diba sabi ko sa'yo madalas akong madapa!"

"Mag-ingat ka. Ang ganda mo pa naman tapos lalagyan mo ng sugat 'yang mukha mo."

Napangiti siya. "Am I a pretty girl?" 

"Yes, you're a pretty girl." 

May dumaan na grupo ng mga babae at ang sama ng tingin sa amin. Isa sa kanila nagsalita "Ugh! Get a room losers! Hohohohoho!" At tumawa ang mga kasama nito habang papalayo.

Huwag kang singit ate, may mga babae na ngang nakapalibot sa 'yo KSP ka pa.


Kulang Sa Putok.


Corny mo Liezel!


"Anong problema ng mga 'yun?"

"Pabayaan mo na lang sila." sagot ni Cinta. "Masasama talaga ugali ng mga 'yan. 'Lika, mag-tea at snacks muna tayo bago pumunta sa gym."

Nagsimula kaming pumunta dun. "Tea talaga ha?"

"Ahaha! It's a rich people thing."

____________________________________________________


In fairness, kahit nakakaasar ang mga ibang tao dito, ang school na 'to ay heaven pagdating sa pagkain. Ang sarap ng chocolate cake, at kung wala lang PE baka nag-second round pa ko. 

Ang sad nga lang nasa 500 ang bill, at kay Cinta lang 'yun.

"Waaah! Busog ako! Sabi ko sa 'yo masarap snacks nila pag tea time, at mura pa!" sabi niya.

"Mura sa'yo ang 500?" 

"Mura na 'yan, may kinainan nga kami nila papa at mama sa Paris, at isang tao umabot ng isang libo pag kinonvert mo sa peso!"

Ano bang klaseng cake at tea 'yun? Baka may shavings ng ginto sa ibabaw kaya mahal.

"Nako Cinty, isa sa mga araw na 'to, ilalabas kita at pupunta tayo sa masasarap na cake shops. Marami dito sa Manila, at mura pa!"

"Yay! Pwede ko rin ba isama yung friends ko?"

Napangiti ako "Oo naman, the more the merrier nga diba?"

"Magla-lunch nga kami bukas, sama ka sa amin!"

"Ok lang ba sa kanila?" 

"Oo naman, kinuwento nga kita. Nagulat nga ko na kilala ka nila."

Natawa ako. "Syempre, ako si lottery girl at ang nadapa sa sarili niyang welcoming."

"Basta makikilala mo sila. 'Lika na at baka ma-late pa tayo," 

Tumayo na kami at paalis na ng may muntik na kong mabungo, buti na lang nakaatras ako nang segundo. Papaunahin ko na siya ng makita ko kung sino,


Si singit girl and her legion of singit. 


Ang mukha niya talagang nandidiri.  "Watch where you're going loser! You almost touched meh!" 

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon