Fuchsia

11.1K 263 28
                                    


"That will be 2450 pesos! Your ID please. Thank you Ms...Liesel!"

 "Liezel po." 

"Alright, here's your receipt. Please wait for your order at the side, Ms. Liesel."

"It's Lieze-"

"NEXT!"

Bago pa ako makaalis, sumingit na yung kasunod ko at hindi na ko pinansin ng cashier. Babasahin na nga lang pangalan ko, mali pa. 

Naranasan mo na ba 'yun? Yung ang linaw-linaw na nga ng pagkabigkas ng pangalan mo, malinaw pa sa liwanag ng araw, at sobrang linaw kaysa sa Meralco, gagawin kang isang taong hindi mo kilala. Ang iba naman paulit-ulit tinatanong na parang sirang plaka, hindi pa rin makuha. May isang time nga yung sinusundan ko ang pangalan niya John, as in yung simpleng John. Para lang sa Johnson na brand, pero walang "son" malamang. Nung nakuha na niya ang kape, alam mo ano nakalagay?


Jean.


Ang sarap isampal ang birth certificate sa mukha.


Hindi ko naman sila sinisisi, mahirap din ang ginagawa nila. I mean day in and day out, sandamakmak na pangalan ang naririnig nila, siguro naman sukang-suka na sila sa mga pangalan ng customers.

Pero, kung gagawin mo ang pangalan ng customer ay "LITEL" na parang isang basang tuta sa kalsada, aba, ibang usapan na 'yun.


Hindi lang birth certificate ang isasampal ko sa pagmumukha niya.


"Ms. Liesel!"

Napabuntong-hininga ako. Pumunta ako sa counter at kinuha ang dalawang malaking bag. Lumabas ako sa Starbucks at dumiretso sa bus shed. Nasa isla pa rin ako, dito kasi may tinatawag na Surrexerunt Plaza kung saan makikita mo ang mga ilang sosyal na restaurants at cafe. Nandito kasi ako dahil pagkatapos ng klase, tinext ako ni Katashi at sinabi pumunta raw ako sa Starbucks at bilin ang mga order nila:


Alejandro - Caffe Americano with a teaspoon of milk

Katashi - Full Leaf Chai Tea

Constantine - Tazo Green Tea Frappe

Vitale - Espresso Macchiato

Henrique - Doubleshot Energy Coffee Drink

Jae-Eun - Caffe Misto

Jae-Sun - Vanilla Bean Creme Frappe

Malcolm - Apple Juice  

Diedrich - Cinnamon Dolce Frappe

Spencer - Orange Mango Smoothie


Naka-isang minuto ako sa kakatitig ng cellphone ko. Hindi man ako coffee fanatic, pero ilang beses na rin ako nakapunta sa shop na 'yun at halos lahat ng order nila ay hindi makikita sa mga malalapit na Starbucks! At 'yun pa! Ine-expect ba nila na mag-ninja ako at tumakas ng school? Nakikita ba nila ang mga sundalo sa labas?! Baka nga 'di pa ko nagsasalita, ratratin na ko ng mga 'yan! 


Wala na ko sa school! Camp Aguinaldo na 'to!


Gusto ko ngang tawagan, biro mo, first day ng pagpapa-alipin ko, pinapabili ako ng kape na mukhang makikita pa sa kabilang parte ng mundo!


Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon