Cyclamen

12.7K 273 11
  • Dedicated kay Clarisse Polintan
                                    


Sa totoo lang, gustong-gusto 'ko pag-umuulan.

Ewan ko ba kung bakit, pero pag nakikita kong pumapatak ng malakas ang ulan, at nararamdaman ko ang lamig ng hangin, pakiramdam 'ko lahat ng problema ko mawawala, lalo na pag nasa ilalim ako ng ulan. Kaya nung bata ako mahilig ako maglaro sa ulan, kahit may chance na magkasakit ako kinabukasan.

Feeling ko rin kasi na nasa ibang mundo ako, at ako lang ang nakakaalam.

 Pero ngayong malaki na 'ko at kapag natatandaan 'yun...naiisip ko na ang lakas ng tama ko nung bata.


As in sobra.


Parang naka-shabu lang.


Pero deep down, 'yun pa rin ang iniisip 'ko. At sinasabi nila na malas ang araw nila pag-umuulan?


Pssh~ nakakatulong nga sa akin eh!


Parang ngayong tag-ulan, nakakapag-jacket ako, at pag may jacket, may hood, at pag may hood, nakakapag-tago ako sa mga ipis.

Asar kasi eh! Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga text at tawag ng mga tao! Kalahati nga nila hindi ko kilala at hindi ko alam kung paano nila nakuha number ko. Ang ginawa ko pagkatapos kausapin ang mga kapamilya, kaibigan, kapatid, kapuso ko, tinanggal ko ang battery ng cellphone at tinago sa cabinet!

Feeling ko nagri-ring pa rin kahit wala ng battery.

Hinila ko ang hood ko para hindi ako makilala ng mga kasabay kong studyante. Yung tatlong babae nga sa harap 'ko pinag-uusapan ang lottery, sinasabi na naiinggit sila at swerte talaga ako.

Pssh~ hay nako mga ate, kung pwede nga lang, ibibigay ko sa inyo ang invitation card na na-print ko. Ang daming short bond at ink ang naubos sa akin, dahil sa isang pirasong e-mail!


Huwag niyo akong simulan sa invitation card!


Pumasok na ako sa building namin at lalong hinila pababa ang hood.

Hindi ko naman talaga kailangan lumipat pa, ok naman school ko.


Yang Surat Academy pa-epal eh!


Nasa harap na ako ng classroom 'ko at nagbuntong-hininga

Salamat naman na nakapasok ako nang tahimik.


And how oh so wrong was I.


Pagkabukas pa lang ng pinto, alam ko na hindi ito magtatapos, lalo na sa nakikita kong FAREWELL banner.

"CONGRATULATIONS!"


Son of a-


"ZEL!"

Ewan 'o na lang kung ano nangyari, basta nasa sahig na kami ni Monica na inaalog-alog ako na parang shaker. Ang mga classmate ko pinalilibutan kami habang sabay-sabay nagsasalita, at sila Blynne at Kris tinutulungan kami tumayo at si Sarah ay sinisigawan yung iba na tumahimik at paraanin kami.

"Padaanin niyo na siya!" sigaw ni Sarah.

"Guys mamaya na mga tanong! Paupuin niyo na ang prinsesa!" sigaw ni Dan, ang presidente namin.

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon