Lilac

10.7K 242 22
                                    


Gusto ko nang bumalik ng dorm, pero kailangan kong ihatid itong uniform sa dragon, at ngayon ko raw malalaman ang parusa nila sa akin. Pero kanina pa lang pinaparusahan na ko. Nang papasok ako, as always, nandoon ang mga rabid fangirls ng mga prinsipe, pero ng makita ako bigla silang tumahimik at sinamaan akong tingin habang naglalakad sa gitna. Para nga akong nakapatay ng innocenteng tao at pinapanood nila akong papuntang electric chair. Kulang na nga lang batuhan ako ng mga kamatis, pero sa mga nanlilisik nilang mata, pakwan ang ibabato sa ulo ko. Ang ibang classmates ko naman makatodo-todong walang pansinan sa akin,


Wait, normal lang pala 'yun. 


In short, halos lahat ng kababaihan ng HS ay galit sa akin. Ang mga lalaki naman ewan ko lang, pero may narinig akong nagkwekwentuhan kanina tungkol sa nangyari kahapon at mukhang tuwang-tuwa sila sa ginawa ko.

Hindi ko pa nakakausap ang mga new found friends ko sa nangyari, pero sana ok lang yung magkapatid.

Napabuntong-hininga ako. 


Talaga naman Liezel, bakit mo pa kasi kailangan sampalin? 


Pwede mo naman sipain diba?


Pagdating ko sa SC room, kakatok na sana ako ng biglang naalala ko ang masaklap na nangyari sa akin last week.


Never na mangyayari 'yun ulit!


NEVER!


Ngayon ko lang din napansin na medyo nakabukas ang pinto, at curiosity killed the cat, nilapit ko ang tenga ko at pinakinggan ang mga prinsipe.

"Nasaan na ang babae na 'yun?! Katashi, tinext mo ba?!" malakas na tanong ng dragon.

"Yes, I sent her a message last night."

"And?!"

"Her reply was K, with a period."

"What the hell's that supposed to mean?!"

"Hey, naka-received din ako ng ganun last month kay Chantal." sabat ni Vitale.

"Ano sinabi mo sa kanya?" 

Hindi ko kilala ang boses, siguro isa sa kambal.

"I texted her to come meet me with her sister, and that's what I got."

"Tch, no wonder na lang." sabi ni Henrique.

Nagsalita si Alejandro "Jae-Eun, Jae-Sun! Kapag hindi pa siya dumadating, hanapin niyo, at kung kailangan niyong kaladkarin, then do it!"

Hay~ Ang sarap talagang sipain ang junior niya.

Kakatok na ko ng marinig ko may papalapit sa pintuan. Bigla akong pumunta sa gilid at bumukas 'to ng malakas, muntik na kong tamaan. Nakita kong lumabas ang dragon, kasama si Katashi, at buti na lang 'di ako napansin.

Napabuntong-hininga ako, at pabalik na sa pwesto nang-


*BAM*


Pagkaalis ko dito sa academy, siguradong may sandamakmak akong sugat at bukol. 

_______________________________________________________

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon