Agrimony

8.8K 224 21
                                    


Grabe talaga ang weekend ko, ang intense! Parang nasa FPJ movie lang! Action na action ang dating! Nakakaloka!


Kulang nga lang sumasabog na kotse. Yung biglaan na lang sasabog kahit ni isang balahibo mo dumikit dito. Tapos ang ending nakasakay sa motorsiklo at lilipad patungong kalawakan. 


O diba, pang MMFF 'yan!


Pero seryoso, akala ko kung ano na mangyayari sa amin! Naka-ilang bala kami sa ulo pero ni isa hindi tumama sa amin, at salamat naman! Ayaw kong maging scrambled egg ang ulo ko noh! 


Ano na kaya nangyari sa mga baklang pedo rapists na kidnappers? 


Hay, bahala na sila! Tsaka baka next time lagyan na talaga ako ng bala sa ulo.


Anyway, moving on, kailangan ko munang mag-concentrate kasi exams week ngayon. Kahit papaano nakapag-aral ako kahit naririnig ko pa rin ang mga putok ng baril hanggang sa tulog ko. 

Sinagutan ko na ang huling question at pinapass na sa amin ang mga papel. Pinag-break na kami at tinawag ako ni Cinta.

"Liezel! Sabay tay-ARAY!" Nadulas siya at natumba sa pwet. 

Natawa ang iba pero tinulungan ko 'to at sinabi "Ok ka lang ba?" 

"Oo." Ngumiti siya. "Alam ko naman na may kamay na magtatayo sa akin sa mga oras na nangangailangan ako."


Wow, deep.


"AAAYYYYYYYYYIIIIIIIIIIEEEEE!!!"

Nagulat kami sa mga tumitiling babae. May pinagkakaguluhan sila sa may pintuan.

"Ano kaya meron?" tanong ni Cinta.

Ang class president namin, si Iman, tinawag ako. "Diaz, may naghahanap sa'yo."

Lahat ng babae lumingon sa akin. "EEEEEEEEEHHHHHHHHHHHH?"

"Seryoso?!"

"But why her?!"

Pumunta ako sa harap, at nang daanan ko ang mga girlaloo, nanlilisik ang mga mata, at may kutob ako kung sino. 

"Jae-Sun."

Napalingon at napangiti siya sa akin. "Liezel! Umm~ ano...sorry kung naabala kita..."

"Ok lang, tapos naman din kami."

"Pwede...pwede makausap ka sandali?"

"Yeah, sure."

"Punta tayo sa balcony, para hindi tayo maabala." Napansin niya ata ang mga nanlilisik na mata sa likod ko.

Hindi ko na kailangan makita, feel na feel ko eh.

Tumatagos sa puso ko.


Boom.


Pumunta at lumabas kami sa balcony. Walang katao-tao dito kaya solo namin siya ngayon.

Alam ko na kung ano gustong sabihin nito, sana lang hindi niya gawin yun-ANAK NG WRECKING BALLS!

Nawala lang saglit tingin ko sa kanya, naka-todong bow na siya! Para tuloy akong sinasambahan!

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon