Gladiolus

10.7K 256 25
                                    


Kinabukasan, pagkatapos ng Filipino class, diretso kami ni Cinta pumuntang canteen. Habang naglalakad sa hallway, tinanong ko "Ilan ba kaibigan mo? Parang andami ata."

"Anim kasama ako. Dati tatlo lang kami, pero nang dumating ang iba, naging masaya na!"

"Mukhang mababait sila"

Tumango siya. "Oo naman! Kung baga, inadopt namin ang mga first years. Kasi kung napansin mo nga," Hininahan ang boses niya. "medyo kakaiba ugali ng mga studyante dito."


Hindi lang medyo, talaga!


"So niyaya namin sila kasi ang lonely nila noong kumakain silang mag-isa."

Pagdating namin papuno pa lang ang canteen. Sumunod ako sa kanya at pagdating namin sa table sa may sulok, nagulat ako na sinasabing mga kaibigan niya ay sila Mei at ang Vuong sisters. Yung isa naman ngayon ko lang nakita. Nakasalamin siya pero maganda at matangkad.

"Hi Liezel!" sabay bati ng kambal.

"Dito ka Liezel." sabi ni Mei.

Umupo nga ko sa tabi niya. "Kayo pala tinutukoy ni Cinty."

"Nagulat din ako na personal ka nilang kilala." sabi ni Cinta.

Humarap ako sa 3rd year at nagpakilala "Hi, I'm Liezel."

Inayos niya salamin niya bago nagsalita "Yes, I know. I'm Katerina Xenia Ivanov, but call me by my first name."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Medyo seryoso 'to, at napansin ko na may accent siya, kaya natanong ko "Are you-"

"Russian? Yes, I'm from Siberia." 

"Ahh, do you understand-"

"Filipino? Yes."

"Do you speak it?"

Tumango siya. "Yes, I'm only speaking in english because you asked me so."

Well may point siya.

Natawa yung iba at sabi ni Cinta "Pagpasensyahan mo si Katerina. Ganyan siya sa mga taong 'di pa niya kilala, pero mabait 'yan. Sila ang unang nakilala ko nung new student pa ko."

"Naaalala ko na ikaw ang lumapit sa amin, nakiupo ka dito sa table namin at doon na nagsimula." sabi ni Katerina.

"Kasi halos puno ang mga table, at alam mo naman na first come first serve dito. Pag unang inupuan mo ang table, sa 'yo na 'yan ng mga friends mo hanggang grumaduate ka."

"Kamalasan lang napadpad tayo dito sa sulok."

Sabi naman ni Tien. "But Lien and I like it here."

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon