Wisteria

11.6K 256 17
                                    


Tagal naman. 


Ginugutom na ko.


Kahit ba naka-tatlong piraso ako ng pizza, kumakalang na tiyan ko. Kanina pa ko nandito pero wala pang dumadating.

Napabuntong-hininga ako.

Kararating ko pa nga lang sa academy ayaw ko na dahil sa nangyari kani-kanina lang.

Pag dating kasi, sandamakmak ang nilikuan namin bago pa kami nakarating sa building kung saan ako makikipag-lunch sa isa sa may-ari ng academy. Paglabas pa ng kotse, may sumalubong sa akin na banda, mga totoong maid na nagpasabog ng petals at mga butler na nag-bow at sabay nilang sinabi "Welcome to the academy Miss Diaz!"

Oo, sa init ng sikat ng araw ngayong panahon, nakakapagdamit pa sila ng ganyan. 

Ayaw ko pa nga lumakad dahil sa set-up at may kumukuha pa ng picture at video, at lalo na sa red carpet na nakalatag.


Ano 'to? Hollywood?


Gusto ko nga sila ikutan pero sumalubong sa akin ang secretary at pinauna ako, wala rin ako nagawa kaya nag-ala reyna ako papasok sa building.


And here I am right now, waiting forever.


Nakalimutan ko nga yung sinabi nung secretary bago niya akong iwanan. Ang dami-dami kasing sinabi nung papunta kami dito.


Yung video presentation pa nga lang luto na 'ko!


Pero anyways, ang OA naman nitong table na inuupuan ko! Ang haba-haba! Pang fourteen seaters at nasa ulunan pa ko. Paano kami mag-uusap nung Principal kung nasa dulo siya?

 Of course uupo 'yun doon kasi ganun naman lagi sa movies eh.

Biglang bumukas ang malaking pintuan at may pumasok.


Speak of the devil.


But this is one handsome devil~


Argh! Liezel, umayos ka! Wala pang isang oras dito lumalandi ka na!


Pumunta siya sa akin at ako naman napatayo. Nakangiti niyang sinabi "You must be Miss Diaz! It's a pleasure to meet you." Hinihintay niya ibigay kamay ko and so I did, at akala ko mag-hahandshake kami, pero hindi, hinalikan niya.

Wow gentleman!

"I apologize for being late. Please, sit down. We'll talk while having lunch." At sinabi ko nga, pumunta siya sa pinakadulo ng table at dun umupo.

Pagkaupo, dalawang beses niyang ipinakpak ang kamay niya at biglang bumukas ang pintuan at apat na butlers ang pumasok, dala-dala ang mga tray ng pagkain. Dalawa sa kanila pumunta sa akin, nilatag ang mga plato at baso at binuksan ito.

Wow~ ewan ko lang kung ano tawag sa isda na 'to pero mukhang masarap, at imported pa!

"You don't mind seafoods, Miss Diaz? And if you shall permit me, may I call you Liezel?"

"N-No, I-I'm ok with this...this...fish...And you can call me Zel- I mean Liezel!"


Ang smooth mo girl!

Surrexerunt AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon