Skye's Pov
Pagpasok ko sa gate ng school namin may mga babaeng nag-aabang saakin. Mga apat silang babae, 'yong isa duon 'yong maarte and her friends.
"Look who's here." Sabi nung maarte na babae.
"Kala niya ata siya na 'yong DYOSA sa buong mundo. Makadikit kay Hell at Drake wagas!"
"You're right! Like, ewws!"
Ay ganon, naiinggit sila. Ano ko ba si Hell at Drake? Classmates ko lang naman sila e.
"Girls, one thing for sure. Drake and Hell are just my classmates." I told them.
"She's a liar!"
"Alam naming may gusto ka kay Hell at Drake." Tsk. Me? No way. Help Hell? Yes way.
"You're just wasting your time. Wala kayong mapapala saakin."
Sabi ko sakanila. Nakikita ko naman na marami ng students dito. Wow ha? Sisikat na ako.
"Hey! Bitch!" Nakaramdam ako ng bote na tumama sa ulo ko. Oo masakit, ikaw ba naman tamaan ng bote. At ayokong tinatawag akong bitch, kasi hindi naman talaga ako bitch. Gusto nila nang away, I will give them what they want.
"What? Bitch? Me? Look at yourself first." Sarap asarin nito e.
"My gosh! Don't talk to me like that. You don't know me." Oh, ano ngayon? Hindi ko naman talaga 'to kilala.
"Yeah, I don't know you and don't talk to me. We're not close." Sarap niyang panoorin na naaasar. Pa ulit-ulit lang.
"You! Girls!" Oh. Takbo na Skye. Mag-isip ka ng paraan... strategy. Tumakbo ako, takbo lang ng takbo. Magbabato na kasi si... nakalimutan ko 'yong pangalan. Lahat sila nakaready na. Sakto. Habang tumatakbo ako may nakita akong bato. Equal tayo ngayon.
"Oh, ito sainyo!" Nagpaulan naman ako ng mga bato sakanila. Maliit lang, baka mapagalitan pa ako ng todo e.
"Watch out! Girls!"
"Ouch!"
"Pagbabayaran mo 'to." Blah blah. I don't care. Wait may kulang pa 'yong maarte girl. Asan na 'yon?
"Bitch!" Pagtingin ko sa kanan ko nakita ko siya na may hawak na maraming itlog at ibinato niya saakin. Humanda ka rin, binato ko naman siya. Shems, wala akong extra na damit.
"Grrr!" Nge. Nanggigigil na siya ngayon. Lumapit siya saakin sabay sabunot sa maladyosa kong buhok. Aba syempre sinabunutan ko rin. Gulo na this. Good luck na lang saakin mamaya for sure mapapatawag ako sa office.
"What are you doing?!" Pagkatingin ko si Drake 'yong nagsalita, with Ella and Hell? Kanina pa sila nanonood?
"Her fault!" Sabay turo saakin nung maarte. Si ano 'to e, si... si Megan.
"Hoy, nauna kayo. Kapal!" Nanggigigil na siya.
"Totoo?" Tanong ni Drake sakanilang lahat, sa mga students na nandito.
"Si Skye 'yong nauna! Diba, Guys?" Sabi nung kasama ni Megan. Epal.
"Diba?" Tanong naman nung isang kasama nila. Sige pagkaisahan niyo ako.
"Yes, si Skye ang nauna." What the.
"Oo siya po." So, ako na ngayon? Ano bang ginawa nila sa mga students dito at nakuha nila 'yong loob ng mga 'to. Money?
"Hindi 'yan totoo, si Megan 'yong nauna." Napatingin ako kay Lynn. Ayan correct spelling na ako, without letter E kasi 'yong name niya e. Hulog ka ng langit.
BINABASA MO ANG
Everything is You
RandomLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...