Skye's Pov
Nakatanggap nanaman ako ng message. Galing sa unknown number.
"Ang landi mo! Bitch! Ang dami mong nilalandi! Saakin lang si Hell at Kevin. Akin lang."
Aba loka-loka pala ito e. Ma text nga.
"Edi sa'yo lang. Pake ko? Duh.
Pero ang tanong, GUSTO KA BA NILA? At huwag mo akong tatawaging bitch, hindi mo ako kilala. Baka ikaw pa."Napaaga ako dito sa classroom, wala pa 'yong iba ang aga-aga ko nga naman kasi e. Mga 7 pa darating 'yong iba.
-Vibrate-
Unknown number
"Gusto nila ako. I assure you. You're a slut."
Ang bastos nama nito. Sino nga ito? Hindi ko kilala pero sure akong babae siya.
"Slut? Damn you. Pwe! Panira ka ng buhay. Sino ka ba?"
Unknown number
"Your nightmare."
Nightmare? As if matatakot ako sa'yo.
"Edi wow!"
Badtrip ako ngayon. Hanggang ngayon. Naiinis pa din ako.
Maya-maya may dumating na. Sila Ella, Drake, Charles at si Light.
Bakit sa dinami-dami ng tao si Charles at si Light pa ang nandito? Bad trip.Nung nakita ako ni Hell, bigla siyang nagpalit ng impresyon. Isang napakalamig na emosyon. Pakiramdam ko ang lamig-lamig. Ano nanaman ginawa ko? 'Yon ba 'yong kahapon sa text? Pati si Kevin, ba't galit ang expression niya pati si Drake. Si Ella parang wala lang. Teka nga, ano bang nangyayari?
Umiiyak si Light. Wow ha. Nagdrama nanaman.
"Explain this to me." Lumapit si Kevin at pinakita niya 'yong cellphone ni Light. Nakita kong naka save 'yong number ko. Huh? Paano? Binasa ko 'yong nakalagay. Ako? Pinagtetext ko si Light nang mga masasama? Teka nga, siya 'yon, siya 'yong nagtetext saakin at ako naman binabaliktad niya ngayon? Ilalabas ko na 'yong cellphone ko para ipakita sakanya na ako ang tama at si Light ang may kasalanan at hindi ako, kaso nagsalita si Hell.
"Explain, Skye. Explain. I want to know everything." Halo-halo 'yong mga emosyon na nakikita ko sakanya. May lungkot, galit, inis at napaka lamig na mga titig niya.
"First of all, hindi ako 'yan. Second hindi ako nagsasabi ng gany–"
"She's a liar. Ganyan siya, masakit magsalita. Ako na nga humihingi nang tawad pero hindi niya pa rin ako pinapatawad. Tapos pinagsesend niya pa ako nang mga masasamang salita!"
"Iyak ka lang ah. Kaloka ka. Okay, ganito 'yon. May nagtext saakin. Unknown number tapos siya ang unang nagtext. Ako nga pinagsasabihan niya nang masasama e. 'Yang si Light, siya 'yon, 'yong pinagtetext ako nang mga masasama. Kala niyo lang mabait pero hindi, may sungay 'yan. Lumalabas na."
"H-hindi a-ako ganyan. See this? Siya! Siya ang gumawa saakin nito. Kahapon!"
Pinakita niya 'yong braso niya. Namumula daw. Aysus. Ni wala na nga ako nang hapon dito e. Imbento nang istorya ito.
Bigla namang pumunta sila Hell, Kevin at si Drake kay Light.
"F*ck!"
"You've changed."
"Skye! Damn!"
Alalang-alala sila kay Light. Bakit masyado ba siyang importante?
"Ano mas pinaniniwalaan niyo siya? Tss. Tanga niyo na lang pagnaniwala kayo sakanya."
BINABASA MO ANG
Everything is You
De TodoLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...