Chapter 44

43 3 0
                                    

Skye's Pov

Isang linggo na rin ang nakalipas at ito ako ngayon, sinesermunan ako ni Kevin.

"Bakit ka umiinom? Gabi pa. Sobrang gabi pa at uuwi ka na ng umaga."

"Sorry na."

"At laging kang nagpupuyat, late dumadating sa klase at bagsak ang grades mo. Ano bang plano mo sa sarili mo?" Daig niya pa ang Nanay ko sa pagsermon. Oh, please.

"Sorry na nga e."

"It's just that..."

"Basta sorry na."

"Dapat sinama mo naman ako. Edi sana sabay tayong uminom." Ay, ang loko.

"Peste ka! Sinesermunan mo ako tapos 'yon pala gusto mo ding uminom! Peste ka talaga!" Binatukan ko siya ng malakas. Peste siya. Naloko niya ako dun ah.

"Hahaha! Pero seryoso wag kang iinom. Ayokong umuuwi ka mag-isa. Ayokong umiiyak ka dahil nagmumukha kang engot kapag nangyari 'yon. Ayokong bumabagsak ka, ang ganda na ng record mo wag mong sirain. Ayokong magbago ka. Mahal pa man din kita." Change is inevitable.

"Hahahahaha! Oh sige, simula ngayon magpapakabait na ako. Love you too, Friend." Clear kong sinabi sa kanya 'yong last. Kaibigan. Ayokong masira 'yong pagkakaibigan namin. Ayoko.

"Oh, tara sabay na tayo. Tita, alis na po kami." Nagpaalam na kami kay Mama. This time, hindi na ako late. Thanks to Kevin.

Magkatabi kami ni Kevin ng upuan. Buti na lang katabi ko siya pero harap namin sila Hell. Wag na nga silang pansinin.

"May ibibigay pala ako sa'yo." Nilabas niya sa bag niya ang isang box ng chocolates.

"Ay, shit! Salamat! Mahal mo talaga ako. Hahahahaha!"

"Mahal naman talaga kita e. Hahahaha! 'Yan na 'yong una kong ligaw sa'yo."

"Ay nako, Kevin. Hahaha! Wag mong umpisahan."

"Joke lang. Hahaha!" Habang hindi pa nagsisimula 'yong klase kumain muna ako ng chocolate. Mainggit sila.

"Move on ka na?" Bigla niyang tanong saakin.

"Ewan ko ngay. Hahaha! Huwag ka ngang maingay marinig tayo dito e."

"Dapat kasi ako na lang minahal mo, hindi ka pa masasaktan."

"Sus. Walang taong hindi nasasaktan, umayos ka. Hahaha!"

"Oh, ito pa." Sinubo niya naman saakin 'yong isang bilog na chocolate.

"Tama na. Busog na ako. Hahaha!"

"Ang cute mo kasi. Pahalik naman ng pisngi mo."

"Tae mo! Tumigil ka diyan. Alan kong cute ako pero hindi mo ako pwedeng halikan. Hahaha!" Ang loko niya.

"Alam ko."

Discussion lang kami ngayong umaga sa hapon naman practices. Habang nasa classroom ako biglang may dumating. Agad naman akong nagtago sa desk ng teacher namin. Lahat kasi sila nasa Gym.

"Oo. I don't give a damn, baby. Relax, niloloko ko lang silang lahat."

Boses ni Light. May kausap siya sa cellphone niya. Anong niloloko ko silang lahat? Baby? Ano 'to? May Boyfriend siya?

"Oo nga, friend. Huh? Hell? Nahuhulog siya sa patibong ko. Si Skye? Hahahaha! Kawawa kaya 'yon. Ako ang may plano nito at tatapusin ko 'to. Ano ka ba, nasaktan din naman ako ah. Binabalik ko lang sa kanilang lahat 'yon." Meaning... siya lahat ang may gawa. Sa mga sulat kong natatanggap, sa nag tangkang patayin ako... sa lahat. Pati sa aamin ni Hell, siya din. May sakit ba talaga siya o nanloloko siya? What the fuck. Damn it. Gustong-gusto ko siyang suntukin o sampalin pero hindi ito 'yong tamang panahon. Take it slow, Skye. Kayanin mo. Shit, wag kang iiyak. Kung sinabi ko naman 'to kay Hell, hindi din siya maniniwala saakin. Malamang, mahal niya si Light at hindi ikaw.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon