Chapter 24

66 5 3
                                    

Skye's Pov

At dahil lalabas daw kami ni Ella ngayon. Girls out daw, andami niyang alam. Kakaloka.

"Hoy, girl. Nasaan ka na? Kanina pa ako nandito." Ang tagal niya kasi, mga twenty minutes na akong naghihintay dito sa SM. Sa Cinema, manonood daw kasi kami.

"Ay, sorry! Nakalimutan ko. Dibale may kasama ka diyan."

"Sino?" Kasama ko? Sino naman? Aba pag may love life na kinakalimutan na ang bestfriend niya. Haist.

"Basta tignan mo diyan, kilala mo rin lang. Sige bye na, may gagawin pa ako. Good Luck." May gagawin daw, sus kunwari pa 'yon. Tsk. At Good luck? Meaning...

"Skye!" Kaboses ni Hell 'yon ah. Imposible namang pupunta dito 'yon. 'Yong taong 'yon? Baka nga nasa mansion lang nila 'yon e, natutulog.

"Skye!" Napatingin na ako sa taong 'yon. Potek si Hell nga.

"Ahh, anong ginagawa mo dito?"

"To be with you." Huh? Anong ginagawa mo dito tanong ko, pero sagot niya naman, "To be with you" may topak ata 'to e.

"Huh?"

"Tsk. Wala, sabi ko sasamahan kita ngayon. Sabi kasi ni Ella wala kang kasama." Lokong 'yon. Teka hindi naman masama na samahan ako ni Hell ah. Oo nga naman, tama, hindi masama.

Pagkatapos naming bumili ng ticket lumoob na kami, horror 'yong pinili niya, infairness magaling pumili. Gusto ko kasi ang horror movies.
Nandito kami sa taas, ayaw niya kasi sa harap. Baka takot siya.

"Gusto mo?" Nag-offer siya nang pop corn. Ako pa? Syempre kumuha na ako, aarte pa ba ako?

Habang nanonood kami, lahat talaga ng tao dito nagsisigawan. Nakakainis lang kasi sa lakas ng sigawan nila hindi ko na naririnig 'yong sinasabi nung bida.

"Hindi ka ba natatakot?" Ako? Matatakot?

"Syempre hindi. Matakot ka sa tao wag sa multo o kahit sa palabas lang. Pero dapat hindi ka natatakot sa tao, kay God dapat kasi siya 'yong nagplaplano sa lahat." Bigla siyang tumahimik. Siguro napagisip-isip niya na tama ako. Pero seryoso, kay God dapat.

"Pero syempre 'yong takot na— hindi 'yong iiwasan mo siya dahil takot ka, iiwasan mong mag simba or what. Basta ang hirap ipaliwanag pero marerealize mo din 'yan."Again, hindi pa rin siya nagsasalita. Gosh.

"I do believe in him... because of you." Because of me?

"Huh? Me?"

"I- I— wala, manood ka na lang."

"Pss! Oo na po."

Habang nanonood kami hindi ko maiwasan na titigan siya. Gwapo siya aaminin ko, pero minsan 'yong ugali niya kasi nakakainis. 'Yong tipong ang sama niya minsan, parang siya lang nabubuhay sa mundo ni hindi niya alam 'yong mararamdaman nang iba. Siguro sadyang manhid lang.

"Umamin ka na kasi, may gusto ka saakin."Bigla niyang sabi, aba feeling siya. Nahuli niya kasi akong nakatingin sakanya. Siguro tama siya, gusto ko na ata siya. Hindi ko naman kasi alam kung paano magkagusto, 'yong tipong may mga signs signs pang nalalaman.  Matanong na nga lang si Ella. Hay, buhay.

"Hindi ko alam na may pagka mahangin ka pala. Echos 'to! Feeling ka Hell, feeling! Pwe! HAHAHA!"

"Pss. Admit it, you do like me." May kasama pang ngiti, hay nako. Hell ka nga.

"Feeling ka Hell, as in. Manood ka na nga lang."

"Tss. Ayoko nga, ang boring." Ano daw? Boring? Gosh. I hate drugs.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon