Skye's Pov
Nasa biyahe na kami papunta sa sinasabi ni Light. Maraming mga bahay-bahay pero nung nagtagal, isa-isa na lang ang mayroon. Habang palayo kami nang palayo, konti-konti na rin ang mga bahay na nakikita dito.
May kasama rin pala kaming tutulong sa pagrecord. Ewan ko kung kaibigan ni Light o ano. Basta kasama namin, 'yon lang 'yon. Lalaki siya, may itsura pero mukhang playboy.
Bumaba kami sa isang bundok. May beach rin dito, malawak, malinis pero wala namang mga tao. Paano niya nalaman ang lugar na ito?
"Nandito na tayo!" Masayang sigaw ni Light. Akalain mo, dugong Filipino na siya.
"Wow! Tara, babe! Picture tayo! Ang ganda!"
"Hoy, best! Nandito tayo para magrecord hindi magpicture."
"Wag kang Kj, Skye! Ang ganda kaya."
"Enjoy!" At dahil wala na akong magawa, nag enjoy nga ang mga bruha.
Si Ella partner ni Drake, si Kevin kasama ni Light, at ako? Ako pa, syempre si Hell.
"Want to go there?"
Tumango na lang ako. Maganda naman kasi talaga. Nakakarelax at nakakatanggal stress.
"Light, may Hotel o Bahay man lang ba dito?" Kahit imposible baka mayroon.
"Mayroon, isa lang. Bahay na malaki pero walang nakatira. Bakit?"
"Wala lang, natanong ko lang."
Lahat sila may sariling buhay, sila Ella at Drake, naghaharutan at landian. Sila Light at Kevin, nag-eenjoy naman pero hindi masyado, si Kevin kasi ang tahimik pa rin. Kami naman ni Hell, naglalakad, kumukuha ng picture, tipong ganon. Ang ganda kasi talaga ng lugar na 'to kahit malayo.
Kahit may pagkabaliw sila, mahal ko pa rin sila. I can't live without them.
Mga thirty minutes din kaming natapos. Bumalik kami sa sasakyan at naabutan namin 'yong kasama ni Light na natutulog. Aba sarap ng buhay ah.
Ginising na namin siya at nagsimula na kaming mag take. May dala naman kaming gamit kaya no problem.
'Yong mga walang gagawin saamin e kakanta na lang. Maganda naman boses nila e. 'Yon nga lang masyadong nasosobrahan kaya nagiging OA na. Take two ulit kami. This time, okay na. Okay na at walang palya. Natapos kami nang mabilis. Problema lang, gutom na ako."Light, wala bang mabilhan dito?"
"Mayroon naman, kaso kung pupunta ka para bumili eh mga 1 hour ang byahe papunta duon." One hour? Grabe ha.
"Gutom ka na ba?" Tumango na lang ako kay Hell.
"Gutom na rin kami!" Takaw talaga ni Ella at ako.
"Come on, guys." Tawag saamin ni Light na nasa sasakyan na.
"Teka, saan tayo pupunta?"
"Sa bilihan."
"Oh, sige. Tara na!" Lakas nang tama ni Ella. Sira.
Sumakay na kami. Habang papunta kami duon natulog muna ako. Matagal pa naman e.
Ella's Pov
Natulog si bestfriend. Knock out ang babaita.
"Ang sweet."
Mahinang sabi ni Drake. Si Hell naman kasi, ipinatong niya iyong ulo ni Skye sa balikat niya at lumandag din siya sa ulo ni Skye. Relationship Goals.
"Bagay na bagay talaga sila. Mukhang magkamukha na nga eh. Sabi nila 'yong mga magkakamukha na mag boyfriend at girlfriend eh sila na talaga habang buhay."
BINABASA MO ANG
Everything is You
RandomLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...