Skye's Pov
Pagkagising ko hindi ko namalayan na umaga na at late na kami. Sabi ko pa man din kagabi na uuwi kami e hindi naman, sure ako na nag-aalala na si Mama at wala pa akong cellphone, maliban na lang kung tinexan nitong mokong na'to si Mama.
Tulog pa rin siya. Hay, papasok na lang kami mamayang hapon.
Ginising ko na siya, aba 9 am na. Magpapalit pa kami, maliligo, kakain, tipong ganon."Papasok pa ba tayo?"
"Aba, malamang! Gusto mong matambakan ng maraming gagawin?"
"Tsk. Tara na nga, ambaho pa ng hininga mo. HAHAHA!"
"Excuse me?! Pati kaya ikaw! Bastos 'to!"
"Hahahahahaha! Pogi naman! HAHAHA!"
"Psh. Tara na nga!" Tumawa lang siya at nag-ayos na kami.
"By the way, tinexan mo si Mama na nandito tayo?"
"Yes." Okay, tinext naman na pala e, no worries. Sabay na kaming pumasok sa school. Lunch time at kukuha pa kami ng slip.
"Bakit ngayon lang kayo?" P.O.D namin.
"Sir, na late po kami. Sorry po."
"Alam naman nating hindi 'yan valid iha. Kaya alam mo na." Alam ko na, na maglilinis kami. Psh.
Sa Garden daw kami maglilinis. Aba, masaya 'yon. Ang daming leaves.
Kakatapak palang ng paa namin sa classroom nagsitinginan na agad sila.
Nahagip ng mata ko sila Ella, syempre pati sila Light at si Hell."Bago ako pumunta kay Light, tanungin ko lang, okay na ba tayo?" Hindi ko rin 'to matiis e.
"Okay na, hindi kita matiis brad. Hahaha! Pero wag mo na gagawin 'yon ah? Para okay tayo." Bigla naman siyang ngumiti ng todo, in fairness nagbago konti 'yong mukha niya, nag mature. Pogi ng best friend ko.
"Ang gwapo niya!"
"Pero loyal ako kay Hell, mas magwapo si Hell."
"Bagay sila"
Okay na sana 'yong MALAKAS na bulungan nila pero sinabi pang BAGAY sila. Potek 'yan. Best friend ko kaya ito.
"Bagay daw tayo, best."
"May topak 'yang mga 'yan huwag mo na lang intindihin. Hahaha!" Sabagay.
Pumunta naman na kami sa upuan namin, syempre okay na kahit may nangyari nung isang araw. Okay na.
"Hala ka, hindi mo pinapansin si Hell." Bulong ni Ella saakin.
"So?"
"Anong so ka diyan?! Kausapin mo dali!"
"Aba, bakit ako? Siya dapat."
"Hay, jusko! Best!" Napa face palm na lang siya.
Hanggang sa naglunch na, magkakasama kaming lahat. Guess what? Kasama namin si Light kumain dito sa canteen. Sinama kasi siya ni Kevin e, tss.
"Maglaro tayo ngayon, isang sagot sa bawat tanong. Okay ba?"
Ayan nanaman, diyan mahilig si Drake, sa tagal-tagal na naming magkakakilala napansin kong mahilig siya sa mga larong may SOBRANG sense.
"Walang aayaw, kung may aayaw isang shot ng glass na laman ng alak."
"Hep hep! Suntukin kaya kita?! Isang shot?! Paano nga pag-ayaw?" Ko?
"Then may dare." Sa pagkasabi ni Drake ng dare parang nakakatakot hindian 'yong laro niya.
"Atsaka bawal uminom dito!"
BINABASA MO ANG
Everything is You
RandomLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...