Skye's Pov
Nasa line formation kami. Kakatapos lang ng flag ceremony, magaanounce na sila kung sino 'yong mga nasa overall. Sana ako pa rin 'yong top 1.
"Best, sana ikaw 'yong Top 1 at ako pa rin 'yong Top 2." Sabi ni Ella. Tama ang narinig niyo, kung ako ang Top 1 si Ella naman ang Top 2.
"Oo nga e. Sana nga."
"Students, our Top 1 is Ms. Sandoval, again. Congratulations, Miss."
Buti na lang ako pa din. Nakahinga din ng maluwag.
"Our Top 2 is Ms. Mendez. Let's give them around of applause."
Pumunta kami ni Ella sa unahan at kinuha namin 'yong certificate. At nagpalakpakan naman silang lahat except si Drake at sila Megan.
Hay nako inggit lang si Megan. At bumalik na kami sa line formation."WEH?! TOP 2 KA?! Hindi ko alam, Babe. Ang galing mo naman." Manghang sabi ni Drake.
"Yes, Babe. Thank you." Nagyakapan naman silang dalawa. Tss. Palibhasa may love life.
"Kaya dapat kayong dalawa ni Hell magsipag din kayo para mayroon kayong Top."
"Eh, kahit wag na basta may natututunan ka. Diba, Bro?" Tumango na lang si Hell. Hindi nila alam ang buhay ngayon. Mahirap na.
At pinakilala na rin nila 'yong ibang may Top. Congratulations na rin sakanila.
Bumalik na rin kami sa Classroom at nagdiscuss na rin si Ma'am. Ang bilis, hay.
Uwian na rin sa wakas.
Uuwi na ako ng bigla akong hinila ni Hell. Nakaramdam ako nang electric na ewan. Pero nagulat ako don.Nasisitinginan lahat ng students syempre ako nahihiya naman ako no.
"Hoy, bakit mo ako hinihila at saan tayo pupunta?"
"Diba ipapasyal kita."
"Weh? Ngayon na? As in?!"
"Shh. Ang ingay mo."
"Excited lang ako. Pero sige tara na."
Pumunta kami sa kotse niya at nagsimula na siyang magdrive.
"Maybe you should sleep. Mga isang oras pa tayong nandon."
"Hala ka, grabe One hour!" Sigurado akong uuwi na ako nang pinakagabi niyan.
"Don't worry. I'll text Drake."
"Bakit si Drake?!"
Loko ito, anong kinalaman ko kay Drake? Magulang ko ba siya? Hindi naman.
"Itetext niya si Mama mo na uuwi ka ng gabi. Dala mo ba cellphone mo?" Ah. Oo nga.
"Dala ko pero wala akong load. Hehehe!"
"Ako na lang magtetext sa Mama mo." Mabait talaga ito.
"Kahit ganyan ka may bait ka din pala. Hahahaha!" Agad ko naman pinisil 'yong pisngi niya na ikinainis niya.
"Don't do that again."
"Bakit hindi ka sanay, 'no? Aba dapat masanay ka kung ako kasama mo."
"It's not that... ugh. Just don't do that again."
Pinisil ko pa rin 'yong pisngi niya.
Bigla naman niyang hininto 'yong sasakyan at gumanti naman siya saakin, ganti na kiliti."Hahahahahaha! Stop Hell! Tama na! Hahahahaha!"
"Sabi ko kasi sa'yo wag mong pisilin 'yong pisngi ko."
"Oo na, tama na! Bwahahahahaha! Hell! Ayoko na! Hahahaha!"
BINABASA MO ANG
Everything is You
RandomLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...