Skye's Pov
Alam na ni Mama na kami ni Hell. Legal kami. Todo support naman siya saamin.
"Anak, nandiyan na si Hell sa labas." Lagi na daw akong susunduin ni Hell. Sabi nya e. Swerte ko, ano?
"Yes, Ma!"
Hinalikan ko naman si Mama sa cheeks niya at nagpaalam na ako.
Paglabas ko nakita ko siya. Sino bang babae ang walang gusto sakanya? Lahat naman gusto siya, gusto siya sa physical pero saakin sa kalooban. Lalim.
"Good morning, my Queen."
"Good morning too, my King."
Oh, diba? Sweet namin. Ganito pala si Hell. May nakakakilig siyang side. Habang nasa kotse niya kami, hawak-hawak niya 'yong kamay ko.
"Ayaw mo bang tanggalin 'yang kamay mo? Gusto mo mamawis 'yong kamay natin?"
Nagpapakatotoo ka na dapat kapag nasa relationship, dapat totoo kayo sa isa't-isa. Kunwari, 'yong natatae na ako tapos kailangan ko siyang sabihan nun, tipong kailangan mo dapat sabihin sakanya lahat.
"Ayoko." Ang tipid magsalita grabe.
"Gusto mo kayang suntukin kita?!"
"At bakit mo naman ako susuntukin?"
"Makahawak ka kasi sa kamay ko wagas."
"Edi wag." Inalis niya nga, hala nagtampo. Hindi mabiro e.
"Ito naman. Tampo agad?" I intertwined my hands sa kamay niya.
"Tsk."
"Wag nang masungit, okay? Sorry na nga e."
Ngumiti naman siya. Isang ngiti niya lang napapangiti na ako. Nakakahawa 'yong ngiti niya.
" So I'm gonna love you like I'm gonna lose you
I'm gonna hold you like I'm saying goodbye
Wherever we're standing
I won't take you for granted
'cause we'll never know when, when we'll run out of time. "Biglang kumanta 'yong si Manong driver. Damang-dama?
"Kabataan nga naman ngayon. Alam mo iha 'yang si Hell hindi 'yan ngumingiti... ngayon lang ulit. Ang swerte mo dahil mahal ka niya." Sabi niya saakin habang si Hell...
"Manong! Ugh. It's not cool."
Natawa naman ako. Kasi naman ang cute niya pag naiinis na ewan. Pero ang swerte ko daw.
"Ang swerte ko po dahil sinabi niyo rin 'yan saakin. Hahahaha!"
Nag-usap kami habang si Hell naiirita na. Nanlalaglag si Manong e.
At nakarating na rin kami... nasa parking lot kami, walang masyadong tao.
"Give me your bag."
"For what?"
"Tss. Gawain 'to ng boyfriend mo."
"Hindi naman lahat ng boyfriend gawain nila 'yan. Atsaka hindi naman mabigat kaya okay lang."
"You sure about that?"
"Oo naman."
"Tara na."
"Omg! Bakit sila sabay?"
"Sila ba? Hindi naman siguro. Like omg!"
"Like ewww!"
"Ang baba naman ng standards ni Hell, sinasabayan niya ang pangit na 'yan."
Wow, ha? Tagos sa puso lahat, ganon? Makapagsalita parang maganda hindi naman. Maya-maya hinawakan ni Hell 'yong kamay ko na ikinagulat naman nila.
BINABASA MO ANG
Everything is You
AcakLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...