Skye's Pov
"Hoy, Best!" Napatingin ako kay Ella kasama sina Drake at Hell.
"Kanina pa kita tinatawag hindi ka tumitingin. Anong nangyari sa mga mata mo? Umiyak ka ba?" Pagtingin ko kay Hell, nag-aalala din siya? Anong karapatan niya? Wala naman.
"Huh? Hindi ah. Nagpuyat lang ako kagabi. Umabot kasi ako ng 3 am, nanood kasi ako."
"Weh? Parang hindi naman. Diba, Babe?"
"Yes. Umiyak ka ata." Nakita ko si Light kasama si Charles.
Tae naman. Sige Hell, tumingin ka pa sakanya. Bad trip."Edi wag kayong maniwala. Sinabi ko lang naman hindi ko naman sinabi na paniwalaan niyo ako. Ganyan naman kasi 'yong iba hindi ako pinaniniwalaan." Pero nagsisinungaling ako.
"Ay ano 'to, Best? Humuhugot ka naman ngayon? Haha!" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Natamaan naman 'yong natamaan.
Pumunta na ako sa upuan. Bahala sila diyan. Kainis.
"What's up?" Katabi ko nga pala siya. I ignored him. Kunwari hindi ko siya narinig.
"Hoy, Best!"
"Huh?"
"Hindi nga, anong nangyari sa'yo?"
"Wala naman, bakit?"
"Kakaiba ka kasi ngayong araw eh. Tapos kinakausap ka pa ni Hell hindi mo naman sinasagot."
"Ay. Kausap mo ba ako? Sorry." Sorry sa pagsisinungaling.
"It doesn't matter. We're good right?"
"Maybe."
"Maybe?"
"Kasi... joke lang!"
"Good."
"Wag niyo akong kausapin. Inaantok ako e."
"Ay, ang arte!"
"Oo nga, ang arte naman ng bestfriend mo, Babe."
"Hoy! Minsan lang 'to kaya walang pakialamanan. Haha!"
"Matindi din 'to! Hahaha!" Maya-maya may nagsisisigaw.
"IskoolSerye! IskoolSerye! Gusto namin ulit ng Serye!" Bigla namang sumigaw 'yong crowd. Anong serye?
"Ako ang taga gawa ng kwento!" Megan? Sure siya?
"Aba, wag na lang." Pagtanggol mo pa ako Ella.
"Maganda 'to promise!" Nagtinginan naman kami ni Ella.
"Sige nga. Tignan natin." Nagsimula ng magkwento si Megan.
"Nasa Canteen sila Skye, Hell, Drake at Ella kumakain. Mamaya ay may nakalimutan si Hell."
Ginawa namin 'yong kwento niya. Teka nga, parang tugma 'to nung nangyari kahapon ah. Wag mong sabihing...
"Tapos maya-maya may nakalimutan din si Skye. Pumunta siya sa classroom. Tapos loloob na siya ng..."
"Anong balak mo?" Hinarap ko si Megan.
"Why? Wala pa nga sa climax eh."
"Aba ga—"
"Tapos loloob na siya ng may nakita siya. Nakita niya—"
"STOP! Ang pangit nang kwento mo."
"Skye, malapit-lapit na. Konti na lang. Hahaha!"
"Ang pangit nga." Lahat naman sila nakatingin saamin. Of course pati sila Charles.
"Sige, itutuloy ko. Nakita niya na mayroong nangyayari sa loob. Tapos big—"
BINABASA MO ANG
Everything is You
AléatoireLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...