Chapter 42

22 3 0
                                    

Skye's Pov

Alam kong mugtong-mugto na 'yong mata ko. Halos wala na akong tulog at buong magdamag akong umiyak. Okay lang. Who cares? Who? No one. Papasok pa ba ako? Oo, papasok ako. Tama. Para sa sarili ko... papasok ako. Nag-ayos na ako at naglakad. Wag nang sumakay sa sasakyan sayang pamasahe. Oh, late na pala ako.

Nagsimula na 'yong klase. Kaya ko 'to. Kaya ko. Hindi ko man magawang maging iba ngayon dahil nandito pa din 'yong sakit pero kaya ko pa din na maging masama. Hindi porket mabait na ang isang tao mabait na siya lagi.

"Late ka ata ngayon, Ms. Sandoval."

"Obvious nga Ma'am e. Sorry, hindi na po mauulit." Uupo na ako sa upuan ko ng biglang sinabi ni Ma'am na alisin 'yong shades na gamit ko. At dahil masunurin ako, inalis ko naman. Wala si Ella at Kevin ngayon. Nararamdaman ko namang nakatingin silang lahat saakin. Sus, ano pa bang bago? May mga mapanghusgang tao talaga. Alam ko sa sarili ko na may nag-iba saakin. Mga mata ko? Wala na atang emosyon. Blanko ang mata ko ngayon. Umayos sila. Mas lalo ding wala na akong maramdaman physically pero nasasaktan pa din 'yong puso ko. Makitang magkasama sila, hawak pa nila 'yong kamay ng isa't-isa... tipong ganon. Masakit isipin pero dapat alamin ko kung paano kontrolin ang lahat. Humanda lang kayo. At oo, meron pa din akong nararamdaman kay Hell. Hindi naman agad mawawala 'yon e. Mahal ko e. At ang tanga ko dahil minahal ko siya at mahal ko pa.

Recess na at wala akong kasama kundi ang sarili ko lang.

"Aww. Kawawa naman siya. Masakit, diba? Sabi ko sa'yo makukuha ko ulit siya. Finally!" Bahala siya diyan basta hindi ko siya papansinin. Kapag hinawakan niya lang ako o may ginawa siyang kalokohan. Sapak abot niya. Nagbabasa na lang ako para sa test namin pagbalik. Hindi kami whole day ngayon. Vacation na namin bukas. Sa Varsity naman, ginawa na lang nilang dalawang araw para makapagpahinga sila at makasama 'yong pamilya nila ngayong Pasko.

"Ano kayang feeling? Ang saya ko dahil nasaktan kita. Hahahaha!" Baliw na siya. Mahirap mabaliw sa pag-ibig. Kung ako tanga dahil sa pag-ibig, siya baliw na sa pag-ibig. Mahirap 'yan.

"Talk to me!" Kita niyo na? Bigla niya akong sinabunutan. Siya ang nauuna tapos ako sisihin. Kapag ako naman ang babawi saktong darating si Hell.

"Let go." Malamig kong sabi sakanya. Kapag hindi niya bitawan 'yong buhok ko masasapak ko talaga siya.

"Ayoko nga. Ang gandang makitang nasasaktan ka. Hahahaha! At alam kong hindi mo ako sasaktan."

"Hah, sino naman nagsabi sa'yo niyan?"

"Si Hell. Mahal mo siya kaya hindi mo ako sasaktan."

"Oo, mahal ko siya pero hindi ibigsabihin nun hindi kita sasaktan." Sinabunutan ko din siya, mas malakas pa. Sumigaw siya nang maramdaman niya 'yong paghila ko sa buhok niya. Hindi porket mahal ko siya hindi ko na siya sasaktan. Isa pa, hindi naman na kami. Ano pang saysay, diba?

"Fuck. I told you not to touch her!" Hell is here. Andito na pala ang mokong.

"Sinabi ko din sa'yo na kapag siya ang nauna, babawi ako." Hindi siya makapagsalita. Hah. Wag nila akong subukan.

"Hell. Ang sakit ng ulo ko. Hospital." Hospital? Tss.

"Kapag may nangyaring masama sakanya hindi kita mapapatawad."

"Who cares?" Bakit may pakialam ba kayo nung sinaktan niyo ako? Wala naman, diba? Quits lang tayo. Nung niloko niyo ako may pakialam ba kayo? Wala.

"Lubayan mo na kami. Just stay away."

"You. You stay away kung ayaw mong masaktan pa siya. Trust me, nag-iiba ang mga nasasaktan." You're never what you were before. Nasaktan ka e.
Pinipilit kong wag umiyak para ipakitang matatag ako. Pinipilit ko. Pipilitin ko.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon