Chapter 43

21 2 0
                                    

Skye's Pov

Ugh. Ang sakit talaga ng ulo ko. Teka, anong oras na ba? Shit. Late na ako. Patay ako nito e. Hayaan mo na nga, wala din lang gagawin ngayong araw. Keep calm. Nakarating na ako sa school. Second period na namin. Ito na... papasok na ako ng classroom. Pabida nanaman ako.

"Ms. Sandoval, you're late." Obviously Ma'am. Gusto kong sabihin 'yan pero baka magalit pa siya.

"Sorry." Walang gana kong sagot.

"Wag mo nang uulitin." Tumango na lang ako sa sinabi ni Ma'am.

"Gusto mong pumunta sa Clinic?"

"Hindi po. Bakit niyo po naitanong?"

"Bakit ganyan itsura mo?"

"Natulog lang po ako ng late." Mugtong mata plus eye bags. Zombie na.

"Kaya ka late."

"Traffic po e." 'Yon 'yong palusot ko. Gumagana naman e. Bigla namang tumingin saakin si Hell— nagtatakang tingin. Hindi naman kasi talaga traffic saamin e, pakialam ba niya?

Sabi ko na nga ba e. Wala naman kaming gagawin ngayon, nag check lang kami ng papers. Ngayong umaga lang naman e, sa hapon daw ibibigay 'yong papers namin. Bagsak ako. Alam kong bagsak ako.

Lunch na at hindi pa rin kami nag-uusap ni Ella. Bakit ko ipipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako paniniwalaan? Isusubo ko na sana 'yong kutsara ko pero nakita kong binubully nila Megan si Ella. What the.

"Nagpakatanga ka din pala. Hahahaha! Ang taas ng pangarap niyo ng kaibigan mo. Sobra."

"Fuck. Hindi ko siya kaibigan kaya tigilan niyo na ako." Wow. Ang sakit marinig nun galing sakanya. Hindi niya ako kaibigan? Damn it. Wag kang iiyak, Skye. Wag kang iiyak, umayos ka.

"Whoa! Ang harsh mo naman sa kanya. Anyway, ang taas talaga ng pangarap mo. Dibale, pangarap mo lang si Drake. Hahahaha!" Pigilan niyo ako, makakasapak ako dito e. Nanggigigil na ako.

"Kapag sinabi kong tigilan niyo ako, tigilan niyo ako." Hindi pasigaw 'yong pagkakasabi niya pero makikita mong naiinis na siya. Mas lalo pa siyang nainis ng biglang hinalikan ni Megan si Drake, at tumugon naman si Drake sakanya. The f. Ano ba talaga ang gusto niyo? Bakit niyo sinasaktan ang kaibigan ko? Ang tanong, kaibigan ko pa ba siya? Kung sakanya niya nga e... isa akong ahas. Galawin niyo lang talaga ako at 'yong mga taong mahal ko... pinapangako kong makakalaban niyo ako.

"Hmm. Ang sarap, Ella. Hahahaha!" At dahil hindi na napigilan ni Ella, nasampal niya si Megan.

"How dare you?!" Sigaw ni Megan, lumapit siya kay Ella at sinabunutan ito kasama niya pa 'yong mga kaibigan niya. Habang si Drake nakatingin lang. Gago lang. Hindi niya ba talaga minahal si Ella? Kahit konti man lang?

Maraming na ang nanonood. Wala man lang silang balak tulungan si Ella? E, ba't ako? Wala ba akong balak tulungan si Ella? Damn it. Bahala na, basta kaibigan ko siya. At ang mga kaibigan tinutulungan ang kapwa nilang kaibigan. Wala akong pakialam kung nandito sila Light. Wala na akong pakialam basta tutulungan ko si Ella. Mahal ko siya e. Kaibigan ko e.

"Megan, stop." Pagbabanta ko sakanya. Ngumiti naman siya nang maloko. Anong balak niya?

"Uy! Kamusta ka na? Ella oh, BEST FRIEND mo." Diniinan niya talaga 'yong pagkakasabi. Napatigil silang lahat. Kita ko din sa mga tao na naiinis sila. Naiinis sila saakin. Tss. Judgmental. Si Drake naman, nakatingin lang at sila Hell pinapanood lang kami.

"Hindi ko na siya kaibigan." Cold na sabi ni Ella. Ganon na ba talaga 'yon? Ganon na lang ang lahat? Dahil lang sa isang lalaki e nagkakaganyan na siya. Sabagay, nasaktan siya. Nasaktan din ako. Nasasaktan pa.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon