Skye's Pov
Kapal talaga niyang magpakita saakin... saamin. Argh.
"Oh, nandiyan ka na pala anak. Halika dito at mag-usap tayong tatlo. Matagal-tagal na din tayong hindi nag-uusap."
Ngumiti na lang ako kay Mama. Hindi niya alam na hindi kami okay, for sure tatanungin ako ni Mama kung sinabi ko sakanyang hindi kami okay.
Habang kumukuha si Mama ng pagkain, kinakausap ko siya.
"What are you doing here? You better leave now."
"What if I want to stay here? You can't just tell me to go."
"Engot ka rin, ano? Tss. Damn this life."
"Watch your words."
"Kung ayaw mong masabihan nang masama then you better leave." Pagkatapos kong sabihin 'yon dumating agad si Mama.
"Oh, iho magkwento ka naman. Nakakamiss ka pati ang Mommy mo. Sabihin mo dalaw din siya dito minsan."
"Sige po Tita, sasabihin ko po at ang masasabi ko lang po nakakamiss maging bata." Nakakamiss daw maging bata, ows? Daming alam tss.
"Nakakamiss nga kayong tignan ni Red, nakakamiss ang lahat."
"Nakakmiss nga po ang lahat." Sus.
"Ma, matutulog na po ako. Inaantok na ako e. Bye!" Pumunta na akong kwarto at hindi ko na pinakinggan kung ano man ang sinabi ni Mama. Basta ang alam ko lang ayoko siyang makausap. Tinawagan ko si Ella at sinabi ko sakanya na nandito si Kevin.
"Oh, anong nangyari?! Nag world war III na ba? Anong sabi ni Tita Dyosa?"
"Sira! Walang world war world war no. Wala, nandito ako sa kwarto. Hayaan mo na silang mag-usap na dalawa. Tapos ayon, nakakamiss daw... ang lahat."
"Sabihin mo kung may ginawa si Kevin, ah? Suntukin ko 'yon eh. Hahaha!"
"Baliw! Hahaha! Mukhang hindi pa sila tapos mag-usap sa baba. At ang lakas pa ng ulan. Potek 'yan. I hate the rain."
"Chill, best! Maghulos dili ka. Haha!"
"May sasabihin ako, best."
"Oh, ano 'yon?"
"May pagka-baliw at ewan na tayong dalawa. Hahaha!"
knock knock
"Wait best, si Mother ko. Haha!" Pinagbuksan ko ng pinto si Mama.
"Ang ingay mo anak, ha. Grabe ka, kala ko ba matutulog ka na?"
"Yes, Mother! Wait lang patulog na ako, ikaw kasi Ma e."
"Anong ako?"
"Kumatok ka kasi, Ma. Alangan naman hindi kita pagbuksan, diba?"
"Oh, siya matulog ka na."
"Good night."
Hinalikan naman ni Mother 'yong noo ko. Oh, diba? Sweet.
Pagkatapos, agad ko namang kinuha 'yong cellphone ko para makausap pa si Ella.
"Girl! Nandiyan ka pa? Buhay ka pa? Magsalita ka naman! Hoy!"
"Teka kasi! Salita ka ng salita diyan, eh."
"Sorry naman."
"Ay wait! Nagtetext si Drakey ko. Bye, girl!" Aba, bastos si Ate. Binabaan ako nang cellphone. Porket may boyfriend na.
knock knock
Again. I opened the door.
"Anak? Pwedeng dito matulog si Kevin?" What?
BINABASA MO ANG
Everything is You
RandomLove? A four letter word with so many meanings behind it. Paano kapag nasa sa'yo na ang taong para sa'yo pero tinutulak mo siyang lumayo? Paano kapag siya na lang ang lumalaban sainyo pero ikaw suko ka na? Kaya mo kayang labanan ang kasinungalinga...