Chapter 16

78 5 3
                                    

Skye's Pov

Second day na nang practice tapos ififinal na bukas. Nakakakaba.

Nandito na kami sa classroom, magsimula na daw kaming magpractice sabi ni Ma'am. Babalik na lang daw siya mamaya, may gagawin pa daw siya.

"You're good."

"Salamat."

Syempre sila Drake din ayon sumasayaw na din. Ang lambot ng katawan nilang dalawa, so perfect naman. Makikita mo sakanila na may spark 'yong mga mata nila habang nakatingin sila sa isa't-isa. They're so damn good.

Maya-maya bumalik na si Ma'am.

"Magsiupo muna kayo. Dahil nandito na ang mga bagong transferees."

Sinunod naman namin si Ma'am. Hingal na hingal 'yong iba dahil pagod sila kakapractice. Samantalang 'yong iba nakarelax na.

"Please welcome Ms. Valdez and Mr. Villamor."

Villamor? No. No. Baka hindi siya. Isang taon siyang nawala tapos dito din siya babagsak. Sa school na 'to. Sabagay mayaman.

Bigla kaming tumingin sa isang magandang babae.

Siya? Siya si—

"Light."

Napatingin ako kay Hell. Sa mga mata niya kitang-kita ko 'yong lungkot pero napalitan din ito ng walang emosyon. He stared blankly at her, while there is a man... looking at me. Obviously he's...

"Charles Villamor, welcome back."

Umiwas ako ng tingin. Ayoko muna siyang kausapin. Bakit naman ngayon? Oo sinabi ko na kung dumating siya, tadhana ang may gawa non. Pero hindi ko pa kaya kausapin siya. Ngayong nagiging maayos na ang lahat saka naman siya dadating.

"Introduce yourselves."

Naglabas ako nang notebook at nagpunit ako ng isang papel at sinulat ang, "Look at me. Please." Ipinasa ko kay Hell. Ayokong nakatingin lang siya kay Light, umaayos na lahat. Ayokong masira 'iyon. Tumingin naman siya saakin. At may isinulat din sa papel. Ang nakalagay ay, "Don't worry. I promise."

May tiwala naman ako sakanya. Pero kay Light wala.

"I'm Light Valdez. Hope I can count on you. Thank you." Paano 'to nagustuhan ni Hell. FC, agad?

"And I am Charles Kevin Villamor. You  can only call me Charles."

Aba ngayon naman Charles lang 'yong gusto niya. Aba dati tinatawag ko siyang Kevin.

Sinabi na ni Ma'am kung saan sila uupo. Dumaan saamin 'yong dalawa. Nagtama ang paningin nila Light at Hell. Kami ni Kevin? I mean Charles, iniiwasan ko lagi 'yong mga mata niya.

"Class, start niyo na 'yong practice niyo."

Sinunod naman nila 'yong sinabi ni Ma'am. Habang sila Drake pumunta saamin.

"Hoy, pare. Ayos lang 'yan. Maraming babae diyan. Gusto mo hanapan kita?"

"What did you say?! Hanapan pala ah. It means marami kang babae?!"

"Stop! Joke lang ito naman. Ibig kong sabihin, marami akong kilala." Umiling na lamang kami ni Hell.

"Pero seryoso, sabihin mong gusto mo."

"Pagsinabi ko?" Sungit nanaman ni Hell.

"Basta. Mapapangiti ka promise. Hoy, pare naman, sige na."

"Fine. Gusto ko ng taong magpapasaya saakin."

"Ito oh, si Skye. Siya kahit maingay, matakaw, straight forward minsan, etcetera-etcetera. Nagpapasaya naman sa'yo. Aminin mo." Bigla namang ngumiti si Hell labas ngipin pa. The hell.

 Everything is You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon